^

PSN Showbiz

Angelika, sikat din sa Malaysia!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Excited ang bumubuo ng cast ng Super Noypi dahil first time nilang gumawa ng super hero movie at puno ito ng visual effects. Foreigner ang Visual Effects Supervisor na si Ted Godwin at ang in-charge sa Make-Up/Prosthetics na si Joe La Penna. Young team ang hahawak sa movie from direk Quark Henares, fight instructor Jon Escudero at ang dalawang scriptwriters na ang isa’y third year college sa Ateneo.

Pinaka-excited sa lahat si Rhian Ramos na gaganap sa role na Michie dahil first movie niya ito. Gusto niya ang gagampanang role ni Michie, isang super kikay na pink ang favorite color. Patterned kay Reese Witherspoon sa Legally Blonde ang kanyang role.

Hindi expected ng dalagita na ang Captain Barbell ang magiging daan para gumawa siya ng pelikula. Ayaw pala nitong ikwento ang mangyayari sa CB this week basta, panoorin daw dahil meatier ang kanyang mga eksena. Ibinalita rin nitong extended sila for one month dahil sa halip na October, November na magtatapos ang Super Pinoy Hero.
* * *
Hindi lang sina Kristine Hermosa, Jericho Rosales at Diether Ocampo ang sikat sa Malaysia. Popular din si Angelika dela Cruz dahil sa Sana’y Wala Nang Wakas at ang tawag nga sa kanya ng Malaysian fans ay Mary Ann na pangalan niya sa soap.

Matagal nang nire-request ng Malaysian fans nito na makita siya ng personal at matutupad ito dahil tutungo ng Malaysia ang dalaga sa last week ng July. Isang Malaysian producer ang magdadala sa kanya at mag-o-organize ng Meet & Greet.

Pag-uusapan din ang gagawin niyang recording ng Bahasa version ng Sana’y Wala Nang Wakas dahil alam na singer siya. Gusto sana ng producer na magdala si Angelika ng CD pero, wala itong bagong album dahil nagka-demandahan pa nga kaya maraming litrato na lang ang dadalhin niya.

Plano rin ng producer na gumawa ng magasin na puro pictures ng actress ang ilalagay. Lalo pang sisikat sa Malaysia si Angelika ‘pag ipinalabas ang Bituing Walang Ningning kung saan, ginagampanan niya ang role ni Laviña, kontrabida kay Sarah Geronimo.
* * *
Nasulat namin minsan ang balak na paglipat sa GMA-7 ng isang ABS-CBN talent pero, itinanggi nito’t masaya raw siya sa Dos. Nagmukha kaming sinungaling sa pagdi-deny nito. Iyon pala’y naharang ang kanyang paglipat. Ang bagong tsika’y nagbabalak ang talent na ituloy ang naudlot niyang paglipat sa Ch. 7 dahil frustrated na naman dahil ‘yung mga project na para sa kanya’y napupunta sa iba.

Nagsalita na uli ito ng tapos na ‘pag hindi natuloy o napunta sa iba ang inaayos na project para sa kanya, lilipat na talaga siya sa Siete. Tiyak lang kaming muli siyang haharangin.

vuukle comment

ANGELIKA

BITUING WALANG NINGNING

CAPTAIN BARBELL

DAHIL

DIETHER OCAMPO

ISANG MALAYSIAN

JERICHO ROSALES

JOE LA PENNA

WALA NANG WAKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with