^

PSN Showbiz

Jolina at bf, 3 oras mag-usap sa telepono

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi naman pala nami-miss gaano ni Jolina Magdangal ang nobyong si Bebong Muñoz dahil araw-araw ay nagkakausap sila sa telepono. Regular ang overseas call ng kanyang bf. Sinabi ito ni Jolina sa launching ng 2nd SOP Music Awards

Isa sa dahilan kung bakit napamahal sa kanya ang nobyo ay dahil hindi ito seloso at never na trinatong parang artista siya. Higit sa lahat, mabait ito sa pamilya kaya’t alam niyang magiging mabuti ring asawa at ama ng kanilang magiging anak sakaling magpakasal sila.
2nd SOP Music Awards, Mas Pinabongga
Ipinaliwanag ng EP ng SOP na naging malaking tagumpay noong nakaraang taon ang SOP Music Awards. Gagawin nilang mas bongga ito sa taong ito.

Layunin ng SOP Music Awards na parangalan ang mga Pilipinong mang-aawit, banda man o soloista na patuloy na nagpapataas sa kalidad at pamantayan ng Original Pilipino Music (OPM).

Ang mga nominado sa 2nd SOP Music Awards ay sina 3yodorobo, Aikee, Aryana, Bamboo, Brownman Revival, Cueshe, Dice & Ko, Hale , J Brothers, Jacque Esteves, Jonalyn Viray, K & The Boxers, Masculados, MYMP, Nyoy Volante, Orange and Lemons, Retrospect, Salbakuta, Sexbomb, Side A, Sugarfree, Six Cycle Mind at Yasmien Kurdi. Sa Oktubre 2 gaganapin ang awarding ng 2nd SOP Music Awards.
Blind Item: Dapat Laging Nakakabit Ang ‘Ma’am’
Ilang ulit na napapagalitan ng nanay ng sikat na young actress ang ilang katulong lalo na at baguhan kapag sumasagot sa phone.

Kapag sinabing "Wala po rito si Ate… (pangalan ng aktres) ay biglang sisigawan ng madir ang katulong at gustong Ma’am ang itawag nila sa anak. Kaya dapat ang sagot ay "Wala po rito si Ma’am".

Nagagalit din daw itong madir sa katulong kapag nagluluto sila ng pagkain para sa kanila. Gusto nito na yung mga natirang ulam sa ref ang kanilang iluto at kainin. Sobra rin palang matipid ang madir ng aktres ayon pa sa aking source na taga-showbiz din.

vuukle comment

BEBONG MU

BLIND ITEM

BROWNMAN REVIVAL

DAPAT LAGING NAKAKABIT ANG

J BROTHERS

JACQUE ESTEVES

JOLINA MAGDANGAL

JONALYN VIRAY

MUSIC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with