^

PSN Showbiz

Alex, patok sa Singapore!

RATED A - Aster Amoyo -
Isa nang international star na maituturing si Alessandra de Rossi dahil sa pelikulang The Maid na dinudumog ngayon sa mga sinehan ng Singapore.   

Ayon sa manager ni Alex na si Manny Valera, nagkaroon ng successful sneak preview ang pelikula sa 20 sinehan sa Singapore nung nakaraang August 15.  Ang total box office sales ay inabot ng $400,000 Singaporean dollars na ang equivalent nito sa pesos ay P13.3 million.  Ang regular showing nito sa Singapore ay nagsimula nung nakaraang Huwebes, Aug. 18.   

Pinagkaguluhan si Alex sa Singapore hindi lamang ng mga press people at press photographers kundi maging ng mga Singaporean fans.

Dahil sa tagumpay ng The Maid movie sa Singapore, inaayos na umano ni Direk Tikoy Aguiluz ang showing nito sa Pilipinas.   

Speaking of Alessandra, mukhang napag-iwanan na nito ng milya-milya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Assunta de Rossi kung ang takbo ng career ang pag-uusapan. Marami ang nagsasabi na talagang nag-fade na umano ang dating kasikatan ni Assunta nang ito’y mag-asawa samantalang si Alex ay patuloy ang pag-ariba ang career. 
* * *
Naging shortlived ang relasyong Jean Garcia at Gardo Versoza kaya libreng-libre na naman ang mahusay na singer-actress na mag-entertain ng bagong mapupusuan.   

Lately, biglang sumambulat ang balitang sina Jean at Joey Marquez na raw ngayon. Bukod kay Joey, nali-link din kay Jean ang kanyang co-star sa Kampanerang Kuba na si Jomari na agad namang itinanggi ni Jean. Ayon sa singer-actress, mga kaibigan niya pareho sina Joey at Jomari pero wala umano siyang relasyon sa dalawa. 

Magmula nang magkahiwalay sila ni Gardo ay naka-focus si Jean sa kanyang trabaho at pagiging ina ng dalawa niyang anak.
* * *
Kakaiba ang saya ng handog ng Bitoy’s Funniest Videos ngayong gabi dahil makakasama ng tropa ng BFV ang StarStruck first princess na si Yasmien Kurdi. 
* * *
Personal:  Belated birthday greetings kay Dr. Manny Calayan (Aug. 18) at happy birthday kay Mrs. Fortune Ledesma, mom of commercial model-turned businessman/TV host na si RJ Ledesma. Si Gng. Ledesma ay magdaraos ng kanyang kaarawan ngayong hapon (Aug. 20) sa ganap sa ika-2:30 ng hapon sa Taal View Heights Country Homes sa Tagaytay.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALEX

ASSUNTA

AYON

CENTER

DIREK TIKOY AGUILUZ

DR. MANNY CALAYAN

FUNNIEST VIDEOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with