^

PSN Showbiz

Negatibo sa droga si Bryan Revilla!

-
Naging mainit na naman ang Narcom sa mga artistang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa pagsasalita ni Rosanna Roces sa programang The Buzz last Sunday kung saan tinukoy niyang nage-ecstacy ang anak ni Sen Bong Revilla, Jr. na si Bryan Revilla na ayon na rin daw mismo sa kwento ng nakababatang kapatid nito na si Jolo Revilla.

Pero lumabas na nga ang official statement kahapon dito sa PSN ng abogado ni Bryan na negatibo siya sa droga.

Dahil dito ay pinag-iingat naman ng mga tv executives ang mga artista nila at pinayuhang magpa-drug test para anytime, pwede nilang ipakita ang resulta ng kanilang drug test.

Timing naman dahil topic mamayang gabi sa Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez ang mga tinaguriang astig o bad boys ng showbiz na sina Ely Buendia ng Eraserheads, Bamboo, dating miyembro ng Rivermaya, Dong Abay ng Yano, Alvin Aragon, Starstruck Avenger batch 1 at Mark Anthony Fernandez.
* * *
Aminado si Ethel Booba na maski na pinag-ayos sila ng kapatid niyang si Boobita Rose sa programang S-Files ay hindi pa rin niya ito gaanong kinakausap dahil hindi siya sigurado kung sincere nga ang kapatid sa ginawang pakikipagbati.

"Matagal ko nang kilala ang kapatid ko, syempre kadugo ko ‘yan. This time, ayoko muna siyang batiin, kasi hindi ko alam baka kaya lumapit lang kasi nangangailangan, walang trabaho dahil tinanggal sa Punchline, may ginawang hindi maganda.

"Tapos umupa pa sa isang apartment na walong libo kada-buwan ang bayad, saan siya kukuha, e, wala naman siyang trabaho?" Ito ang pagtatapat ng leading lady ni Mikey Arroyo sa Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa! ng Cine Suerte Films.

"Alam n’yo, akala n’yo pasaway ako sa pamilya namin, kasi nakikita n’yo akong ganito, ang totoo ‘yang si Boobita Rose ang pasaway sa aming pamilya. Dahil sa kanya, nagkakagulo kami.

"Kung hindi ba naman, ako na sarili niyang kapatid, ninakawan niya. Di ba nakakaloka siya?" pag-amin pa sa amin ni Ethel.

Samantala, naikwento rin ni Ethel na tuloy pa pala ang demanda ng boyfriend niyang si Alex Crisano sa katulong na inakusahang minolestiya niya.

"Desididong ipakulong ni Alex ‘yun, kasi naman, paninirang puri na ‘yun. Kaya para ma-prove na wala siyang ginawa, dinemanda namin at dapat siyang makulong," katwiran ni Booba.

Bagama’t isa lang ang regular show ngayon ni Ethel ang Extra Challenge ay happy pa rin siya dahil napakalaki raw ng nagawa ng programa sa kaniya.

"Imagine, marami na akong bansang napuntahan dahil sa Extra Challenge, susunod na ang Mexico, Australia, Europe, South Africa pagkatapos ng 1M challenge plus kotse at ‘yung lucky texter ay mananalo naman ng house and lot, di ba bongga," nakangiti niyang sabi.

At hindi rin daw sila kinabahan ni Paolo Bediones na baka tsugihin na ang show nu’ng bumagsak ang ratings nito dahil katwiran ni Ethel, "Diyos ko, ang tagal-tagal na ng show, marami nang nagawa kaya kampante kami na hindi mawawala kasi tiyak na ipaglalaban nila ‘yung show, flagship siya ng Siete ‘no?" 
* * *
Kagabi bumalik si Aiai delas Alas ng Pilipinas mula Ventura, California kung saan dinalaw niya ang kaniyang amerikanong boyfriend na si Art Carter.

Inaapoy ng lagnat ang komedyana at ayaw niyang magpa-ospital doon dahil mahal at higit sa lahat, hindi siya kampante sa sakit niya.

"Tiyak ko, colon na naman ito kasi hindi nawawala lagnat ko. Pagbalik ko ng Pilipinas, sa ospital ang diretso ko," ito ang say ni Aiai sa amin.

"Signs na ito na hindi kami ni papa Art, kasi nu’ng unang planong aalis ako, hinika ako, tapos ngayong nagpumilit akong pumunta, dito naman ako nagkasakit, ano ba ito?

"Kaya ako nagpunta dun para pag-usapan ang plano, heto may lagnat ako, kaloka. Iisa ang ibig sabihin, hindi kami, walang kasal at hindi ko siya pala talaga mahal," pahayag sa amin ni Ms. A. REGGEE BONOAN

vuukle comment

AIAI

AKO

ALEX CRISANO

BOOBITA ROSE

DAHIL

EXTRA CHALLENGE

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with