^

PSN Showbiz

Birth certificate ni Ronian Poe walang pirma ni FPJ

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Suwerte talaga si Pia Guanio. Imagine lahat ng programa niya sa GMA, nagri-rate - 24 Oras, Eat Bulaga and S Files. Pero very humble si Pia pagdating sa kanyang career. As much as possible, ayaw niyang magsaya tuwing pag-uusapan ang nangyayari sa career niya.

Feeling kasi niya, hindi na kailangang magkuwento kung anuman ang nangyayari, instead nagpapasalamat na lang siya sa Diyos. Kaya nga kung may ilan mang negative feedbacks sa kanya, deadma na lang ang magaling na TV host.

Pero sa totoo lang, isa siya sa mako-consider na asset ng GMA 7 ngayon. Ang galing niya kasing mag-interview at may sarili na siyang following sa Chika Minute.
* * *
Hindi interested si Susan Roces sa pulitika. As in wala siyang planong tumakbo at wala siyang planong palitan sa puwesto si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. "Kaya nga galit na sa kanya ang opposition dahil wala siyang planong magpagamit sa kanila," said a friend of mine na kaibigan ni Ms. Susan Roces.

Hanggang ngayon kasi ay confused ang opposition sa stand ni Ms. Susan pagkatapos nitong magsalita sa Club Filipino. Wala kasing kahit sinong opposition ang may communication kay Ms. Susan Roces.

Mas ini-enjoy daw ngayon ng biyuda ni FPJ ang kanyang apo at ang anak nilang si Mary Grace ang nakikipag-usap sa mga makulit na gustong kausapin si Ms. Susan.

Siguro naman ngayon, titigil na ang mga trying hard na nagko-convince sa biyuda ni FPJ na makigulo siya sa pulitika.

Speaking of Ms. Susan, since pala FPJ died last December, once pa lang nagpaparamdam si Da King sa naiwang asawa.

Kahit sa panaginip, never pa raw. "Once pa lang. Sa room kasi nila, may coffee maker. So every morning nagko-coffee sila. Since namatay si FPJ, tinanggal na ang coffee maker. Pag gustong magkape ni Susan, bumababa na lang siya. Pero one morning, nag-amoy coffee sa room niya, ‘yun yung time na may rally sa Makati," recalled my source.

Yun lang, up to now hindi pa uli nagpaparamdam si FPJ.

At tungkol sa anak ni FPJ na si Ronian, nakikipag-usap na raw ang abogado ng nanay nito kay Atty. Harriet Demetriou (legal counsel ni Ms. Susan) tungkol sa mana. At ang nakakatuwang part pa raw, hinihingi pa ng abogado nila Ronian ang marriage certificate nina Susan and FPJ. "Di ba malaking kalokohan ‘yun. Gusto pang gumawa ng sariling issue," said my source.

"So ang ginawa ni Atty. Demetriou, hiningi ang birth certificate ni Ronian at do’n nila nakita na walang signature ni FPJ ang birth certificate ni Ronian," revealed the source.

But anyway, kahit walang sign, bibigyan pa rin ng mana ni Ms. Susan si Ronian according pa to my source.

Remember Ronian? Siya ‘yung bagong inatake si FPJ ay nag-planong mag-artista pero hindi pa man nakakapag-start ay naudlot na ang career.
* * *
Mga 10 times na palang nakaka-catch ng wedding bouquet si Ms. Andeng Bautista (Bong Revilla’s sister) bago siya finally pakakasal.

Kasi di ba, there’s a kasabihin na pag na-catch mo ang bouquet, ikaw na ang susunod na ikakasal. Pero hindi naging effective kay Andeng, umabot pa hanggang sampu.

Kaya nga natatawa na lang si Andeng.

Pero sa November, finally magwo-walk na siya sa aisle. Ang masuwerteng guy siyempre pa, si Junjun Ynares.

Excited na si Andeng at abala sa preparation. Pero kahit na abala sa preparation, inaalala pa rin niya ang kontrobersiya sa pamangkin niyang si Jolo at Bryan.
* * *
Speaking of Bryan, negative ang drug test sa young actor. Sinabi kasi ni Rosanna Roces sa kanyang interview last Sunday sa The Buzz na nagi-Ecstasy daw si Bryan na kuwento na rin daw ni Jolo sa kanila.

Ayon kay Atty. Ernesto Perez II, nagpa-drug test si Jolo last June 8 sa De La Sall-HSC Drug Testing Laboratory at negative ito sa any narcotics, prohibited drugs.

Eh ngayong negative, ano kayang masasabi ng mag-inang Rosanna at Grace?
From My In Box
Hi Salve, Kumusta na po?  Dito po kami sa California at sinubukan kong mag-email.  Sana matulungan n’yo po akong iparating kay Anne Curtis ang hiling ng anak ko na si JANINE PANISALES na magkaroon ng autographed picture niya bilang Imang at Fatima.  Kampanerang Kuba lang ang pinapanood na Tagalog show ng mga anak ko kaya gusto ko sanang matupad ang hiling niya. Sana maiparating n’yo kay Anne ang sulat na ito. 

Talagang sinusubaybayan nila dito ang Kampanerang Kuba kahit hindi nila naintindihan ang mga dialogues. Maraming salamat po. 

Memi Panisales

Address:  1228 Amaryllis Circle
San Ramon, California 94582
Tel:  (925) 248-5338
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected] 

vuukle comment

CENTER

FPJ

LANG

MS. SUSAN

PERO

RONIAN

SUSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with