^

PSN Showbiz

May asawa't anak na si Angela Velez

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
SAN FRANCISCO, CALIFORNIA – Matapos ang matagumpay na Kapamilya Summer Caravan sa Rosebowl Stadium sa Los Angeles ng ABS-CBN at The Filipino Channel noong nakaraang Sunday, ang show naman sa San Francisco ang pinaghahandaan ng grupo. Gaganapin ito sa Monster Park Fairgrounds (formerly Candlestick Park) sa July 24. Intact pa rin ang grupo ng stars na nag-perform sa Los Angeles. But this time, additional stars are joining the group.

Nakatakdang dumating sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Vhong Navarro, Mark Bautista, Christian Bautista, Rachelle Anne Go at iba pa. Inaabangan na rito ng mga fans ang pagdating nina John Lloyd at Bea.

Hindi rin pahuhuli ang The Buzz team na pangungunahan nina Kris Aquino, Boy Abunda, Cristy Fermin, AJ Dee at Chokoleit. Si Bea ang special guest co-host nina Chokoleit at AJ sa Wannabuzz.

Inaasahan ng ABS-CBN at TFC na mas malaki ang dadagsa sa Monster Park Fairgrounds dahil bukod sa mas malaki ang population ng Pinoy sa Bay area, mas maraming stars ang magpi-perform ngayong Sunday. Ibig sabihin, mas maraming production numbers ang mapapanood ng mga kababayan natin at pati na rin ng nasa Pilipinas.

Sa The Buzz, mapapanood ang live at exclusive interview with Nora Aunor. Sasagutin nito for the first time ang lahat ng isyu na kumapit sa kanya sa panahong naririto siya sa America. Including marahil ang illegal drugs possession niya.

Pagkatapos ng ilang buwan, mapapanood si Kim delos Santos sa isang live interview with Boy Abunda. Matatandaan na sometime three months ago ay sumabog ang isyung hiwalayan ni Kim kay Dino Guevarra. Ngayon ay settled na si Kim dito sa America at may trabaho na siya. Ikukwento niya ang buhay niya kapiling ang ama niya. At ang isyu na may ibang girlfriend na si Dino.

Kaabang-abang din ang live interview with Antoinette Taus. Finally ay kukumpirmahin ni Antoinette na wala na sila ni Dindong Dantes. Pero ang nakakagulat ay ang pag-amin niya ng totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay. Inaasahan na isang explosive interview ito.

Kaabang-abang din ang interview ng The Buzz sa ilang personalidad na tahimik na namumuhay dito sa California. Ang magkapatid na Leandro at Carlo Muñoz ay masaya na sa piling ng kani-kanilang partners. Leandro is married to Chi. Si Carlo naman ay may three-month old baby na kay Enid Reyes (dating Star Circle member). Bukod sa kani-kanilang work, rumaraket din dito ang magkapatid. Kasama sila sa isang comedy-musical at tinu-tour nila ang buong North America. Kasama nila sa show si Fe delos Reyes na dito na rin naninirahan.

Nariyan din ang exclusive interview with Angela Velez. Angela is now married to Roy Ofek. Mayroon na silang isang baby. Masaya si Angela sa buhay niya ngayon. Sasagutin ni Angela ang isyung hindi boto sa kanya ang magulang ni Roy.

At para sa mga ipinanganak noong 70’s at 80’s, kilala n’yo pa marahil si Frida Fonda. Si Frida ang nagpasikat ng sayaw na body language. Pero nakilala siya noon bilang isang komedyante sa programang Todas. Kasabayan niya sina Maribeth Bichara, Marilyn Feliciano, Joey de Leon, Spanky Rigor at Val Sotto.

Ngayon, isa na sa pinakasikat na dentista si Frida sa Los Angeles. Kilala siya sa circle of the most reputable dentists in Los Angeles. Makikita rin natin ang super-bongga niyang bahay na talagang ikinalula namin.

Bukas, ibabalita ko sa inyo ang iba pang nakuha kong balita kasama ang mga ABS-CBN stars tulad nina Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Ryan Agoncillo, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Toni Gonzaga, Nikki Gil, Erik Santos, Sheryn Regis at marami pang iba.

vuukle comment

ANGELA

ANGELA VELEZ

ANTOINETTE TAUS

BEA ALONZO

BOY ABUNDA

CANDLESTICK PARK

CARLO MU

CHOKOLEIT

LOS ANGELES

MONSTER PARK FAIRGROUNDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with