^

PSN Showbiz

Maui, nang-indyan ng isang baguhang show producer!

- Veronica R. Samio -
Dapat inisip ni Maui Taylor ang katayuan ng bagong show producer na kumuha sa kanya para sa debut show nito na ginanap nung huling linggo ng Hunyo sa Metro Concert Bar bago siya nagpasyang huwag itong siputin. Marami kasi sa bumili ng tiket para sa show ( SRO ‘to) ang talagang naghanap sa kanya dahilan sa nakalagay siya sa lahat ng posters, tarpaulin at billboards ng show na prodyus ni Myra Dimaculangan para sa MOD Prod. Events & Talent Management Services. Tuloy hindi makapag-pasya si Myra kung itutuloy pa ang suggestion ng Metro Concert Bar na maglabas siya ng repeat ng show dahil sa napakaraming request and demand para rito.

"Nakakahiya kasi hindi dumating si Maui, baka sabihin nila, manloloko ako," ang katwiran ni Myra.

Habang sinusulat ito ay hindi pa nakakapagpaliwanag si Maui sa hindi nito pagsipot sa show pero, two days after the show ay nagsoli ito ng down payment na tinanggap niya.

Maganda naman ang naging show. Pumatok at kwela sa tao ang mga talents ng MOD na Bloom Girls at Men of Dreams. Agad ding nakuha si Belinda Bright para punuan ang di pagsipot ni Maui.
* * *
Tulad ng maraming mahilig sa local music, I’m sure di pa pamilyar sa inyo ang pangalang Agatha. Pero, sigurado rin ako na di na bago sa pandinig n’yo ang awitin niyang "Sa ‘King Panaginip" na madalas patugtugin sa radyo, maging sa FM stations.

Ang "Sa ‘King Panaginip" ay isang komposisyon ni Melvin Morallos na nagkamit ng Grand Prize sa Levi Music Song Festival na inisponsoran ng Viva Foundation for the Arts. Si Agatha na nag-interpret ng song ay nag-aral ng voice sa UST Conservatory of Music at piano sa UP. Mayro’n nang music video ang kanta na dinirek ni Robert Quebral.

Isa sa mga highlights ng kanyang career ay nang mag-audition siya nung 1995 sa German production ng Miss Saigon. Mas pinili niya ang manatili ng Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang singing career.

Ang eight-track album niya ay naglalaman ng "I’d Rather Leave While I’m In Love", isang revival at ang mga orig na "Back To One", "Love’s Around", "Never Let Go", "Things Will Be Alright", "I Believe" at "Kailan Pa".
* * *
Ang gulo-gulo na ng ating bansa. Dahilan sa ginawang pag-amin ng kanyang kasalanan ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nakakita ng puwang ang mga ayaw sa kanya na mapalitan ang pamumuno niya. Sino ba ang may ayaw nito? Lalo’t nakakita tayo ng kahit munting pag-asa sa ating napaka-miserableng pamumuhay. Pero, sino naman ang nakikita nating pwedeng pumalit? Legally, si VP Noli de Castro yun dahil siya ang nahalal. Ang oposisyon ay walang mailagay. Kaya nagkakagulo, di ba? Gusto nila si Ms. Susan Roces pero, kailangan itong maihalal ng lahat, di ba? So, gulo pa rin.

Okey na sa akin yung mungkahi ng isang magaling na abogado at naging dating senador, at maging ng isang magaling na ekonomista, na kung walang maipapalit ay hintayin na lamang natin na tapusin ni PGMA ang termino niya. Pero habang nasa posisyon siya ay dapat madaliin niya ang mga reporma na ipinangako niya sa pamamagitan ng pagsugpo ng graft and corruption (sobra na ang graft and corruption sa gobyerno!!!) and reducing red tape sa gov’t.

Hindi rin dapat maging option ang violence. Tayo namang Pilipino ay walang di titiisin basta maging matahimik lamang ang ating buhay at bansa, kahit na ang sagad na kahirapan. Kahit sawa na tayo sa hirap!

Pero, sa malas, ayaw din ang option na ito ng marami. Di lamang yung mga kagalit ni GMA. Pati si Gng. Cory Aquino, ang maraming cabinet members na pinapag-resign ng pangulo. At mga myembro ng armed forces na in the days to come ay baka maglabasan na rin, hindi yung mga junior members kundi yung mga superiors nila.

Dito dapat pumasok ang mga well-meaning leaders and sectors of society, kasama na ang simbahan at civil society who should always adhere to the constitution and the rule of law. Ito ang dapat nating pakaiisipin, na lahat ng problema natin ay hindi natin malulutas sa pamamagitan ng init ng ulo at gulo.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

BACK TO ONE

BELINDA BRIGHT

BLOOM GIRLS

KING PANAGINIP

MAUI

METRO CONCERT BAR

PERO

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with