^

PSN Showbiz

Regine Tolentino, nangharbat sa Bangkok?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Isang friend ko ang pumunta sa Ayala, Alabang no’ng minsan kung saan nagti-taping ng ilang eksena ang isang teleserye.

Ang ganda-ganda raw ng bahay na pinagkukunan ng ilang eksena at nang tanungin niya ang isang guard kung sino ang may-ari ng nasabing mansion, napanganga ang friend ko. Guess who? Si Celso delos Angeles daw? Familiar. Of course, siya lang naman ang businessman/government official na na-mention several days ago na nali-link kay Ara Mina. Pero nag-deny agad si Ara tungkol dito.

Anyway, tuloy pa rin ang pagtatanong ng source ko sa guard. Ask daw niya kung nagpupunta sa nasabing mansion si Ara. Say ni Balot, minsan daw ay nag-dinner doon si Ara kasama si Mr. Delos Angeles na ang palayaw daw ay Boy.

Ok daw na source si Balot dahil hindi nagdi-deny. At sa sobrang kadaldalan, nabanggit pa raw nito na mas madalas sa kanila si Regine Tolentino kesa kay Ara.

At ito pa ang the height. Sabi pa raw ng tsismosong guard, kasama minsang nagpupunta sa nasabing mansion ni Regine ang kanyang nanay at mga anak nila ni Lander Vera Perez. Minsan nga raw do’n pa ito nagpapamasahe.

Ito kaya ang rason kaya hindi na sila magkakabalikan pa ever ng kanyang asawang si Lander Vera Perez?

Tsismosa talaga ‘tong guard na ‘to ha! Imagine ang dami niyang nasabi samantalang wala naman sanang intention ang friend ko na mansismis ha sa true lang.
* * *
Speaking of Regine, isang source ang nagbigay sa akin ng dokumento from The Oriental Bangkok Hotel. At alam n’yo ba kung anong laman ng letter, sinulatan nila si Regine dahil nawalan ang nasabing hotel ng mga bathrobe, fruit knife, postcards and chocolate bars nang mag-check in ang pamilya ni Regine doon last February.

Ayon sa sulat ni Somkit Vangvaree, senior assistant credit manager ng The Oriental Bangkok, sinisingil nila ang mga nawalang items na nabanggit sa nag-sponsor ng nasabing trip ng buong mag-anak ni Regine.

Isang certificate pa ang ibinigay ng source from Gulf Asia Travel Corporation kung saan naka-specify na umalis nga sila at umabot sa P449,713 ang binayaran ng sponsor.

Nagbakasyon umano ang pamilya ng actress/TV host last February 1 to 3, 2005 sakay ng PR 731.

Ayon pa sa source, dismayado ang sponsor dahil inilibre na nga, nagbitbit pa ng mga gamit sa hotel.

Narito ang kabuuan ng sulat ng The Oriental Bangkok.

Ms. R. T. Maristela

5/F Filomena Building III

104 Amorsolo St.

Legaspi Village

Makati City

Philippines

Dear Ms. Maristela,


Thank you for your kind patronage to The Oriental, Bangkok recently.

We regret to advise you that, following your departure from the Hotel, our House Keeping staff found that the cost of bathrobes, fruit knife, Oriental postcards and chocolate bars (in room 1121 & 1122) were not charged to your bill.

We are, therefore, writing to inform you that we have charged the additional amount of Baht 9,165.00 to your Master Card on February 2005.

We would be grateful if you would be kind enough to review the records of payment.

Reiterating our sincerest apologies for our clerical error, in the meantime, thank you again for your kind patronage.

We look forward to the pleasure of welcoming you back to The Oriental, Bangkok in the very near future.

Somkit Vangvaree

Senior Assistant Credit Manager


Bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag ni Regine.
* * *
Tuloy-tuloy pa rin sa pagratsada ang Zirkoh Comedy Bar dahil nagiging paboritong concert venue na ito ng mga naglalakihang recording artists. Si Francis M. na nagpasikat sa "Mga Kababayan Ko", "Itong Gusto Ko", "Kaleidoscope World", "Meron Akong Kwento" at marami pang iba ang magbibigay ng non-stop full of energy show sa Zirkoh.

Matagal-tagal na ring hindi nagkaroon ng show si Francis M. kaya marami na ang nakaka-miss sa live show ng ating Master Rapper.

Alam naman ng lahat na hindi lang sa pag-rap magaling si Francis M. at talagang magaling rin na singer. Hindi rin matatawaran ang kalidad ng mga kanta ni Francis M at kahit rap songs ang mga ito, mapupulutan pa rin ito ng mga magagandang mensahe.

At siyempre, sasamahan ang ating "King of Rap" ng mga baguhang rap artists at groups katulad ng Hardware Syndrome, Gloc 9, Mike Swift at Pikaso.

Kaya’t sa lahat ng gustong ma-experience ang galing ni Francis M. watch na ng ""RAPpublic NITE with FrancisM" na gagawin bukas, April 29 sa Zirkoh Comedy Bar.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

AMORSOLO ST.

ARA MINA

AYON

FRANCIS M

LANDER VERA PEREZ

ORIENTAL BANGKOK

SOMKIT VANGVAREE

ZIRKOH COMEDY BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with