Juliana, may sariling show sa Japan
April 15, 2005 | 12:00am
Nasa Maynila ngayon ang Japan-based Filipina singer-performer na si Marlene dela Peña dahil inaasikaso nito ang mga papeles ng kanyang adopted son na pamangkin din niya, ang ten-month-old na si Marlon James Chiver na dadalhin na niya sa Japan. Ang pangalang Marlon ay hango sa pangalan ni Marlene habang ang James naman ay pangalan ng American husband ni Marlene na si James Chiver. Hindi na kasi magkakaanak si Marlene kaya nagdesisyon silang mag-asawa na mag-adopt at nagkataon naman na kadugo pa ni Marlene.
Nauna na sa Japan ang yaya ng bata na kamag-anak din ni Marlene at sa muling pagbabalik ni Marlene sa Japan ngayong April 19 ay inaasahan na niyang makakasama na ang kanyang baby.
Si Marlene ay kinse anyos lamang nang magtungo ng Japan at doon siya pinalad na mabigyan ng malaking break sa recording, radio at telebisyon. Dekada otsenta nang lumaki ang pangalan ni Marlene sa bansa ng Cherry Blossoms. Naging superstar si Marlene sa Japan noon. Nakapag-recording siya sa Toshiba at Sony na siyang pinakamalalaking recording companies sa Japan. Nagkaroon siya ng sarili niyang radio at TV show at naging in-demand din siyang product endorser doon. Dahil na-establish ng husto si Marlene sa Japan, ginawa na niya itong homebase at umuuwi na lamang siya ng Pilipinas para dalawin ang kanyang nakababatang kapatid at harapin ang iba niyang mga importanteng commitments. Kapag may oras siya, dito rin siya naglalaro ng golf. Sa Canada na naka-base ang kanyang mga magulang at ibang kapatid kaya minsan ay dinadalaw din niya ang mga ito at pag minsan naman ay sila ang dumadalaw sa kanya sa Japan.
Although nagkaroon si Marlene noon ng ilang Japanese boyfriends, sa isang Amerikano siya nagpakasal. Seventeen years niyang naging kaibigan sa Japan ang Japan-based American computer engineer na si James Chiver pero five years ago lamang na-develop ang kanilang romantic relationship hanggang silay magpakasal sa Guam, USA nung Jan. 4, 2000 sa kaarawan mismo ni Marlene. At nung June 23, 2000 sa kaarawan naman ni James ay nagpakasal sila sa chapel ng Takanawa Prince Hotel sa Tokyo kung saan din ginanap ang kanilang reception.
Kahit mag-asawa na sina Marlene at James ay magkahiwalay pa rin sila physically dahil sa kanilang trabaho. Si Marlene ay nasa Gotenyama sa Shinagawa, Tokyo habang nasa Nagasaki naman ang kanyang husband na si James na nagtatrabaho sa loob ng base. May bahay din sila sa Nagasaki na isang oras at 45 minutes by plane ang layo sa Shinagawa. Once a month na lamang kung magkita ang mag-asawa pero nag-uusap sila ng sampung beses sa loob ng isang araw sa telepono o di kaya sa cellphone. Excited na rin si James na makarating sa Japan ang kanilang adopted son ni Marlene.
Ayon kay Marlene, hindi nila itatago sa bata ang tunay niyang identity at kung sino ang kanyang tunay na mga magulang lalo pat tunay niya itong pamangkin pero saan man makarating ang bata ay dala-dala na nito ang pangalan at apelyido nilang mag-asawa.
Napakaganda ni Jobelle Salvador nang dumalo ito sa launch ng Access TV. Tulad ni Marlene, sa Japan na rin naka-base si Jobelle kasama ang kanyang bunsong anak na si Julina (4). Kasama ni Jobelle sa naturang okasyon ang Japanese businessman-boyfriend niyang si Korina na siyang ama ng kanyang bunso. Ang panganay na anak ni Jobelle na si Mico (15) ay nag-aaral sa Las Vegas, USA kung saan may bahay din si Jobelle.
Kahit sa Japan na naka-base si Jobelle, gustung-gusto pa rin niyang umarte at pangarap niyang mapasama sa isang teleserye.
Nakatakdang magbakasyon ng Maynila si Jobelle sa loob ng dalawang linggo sa buwang ito.
Kung sina Marlene dela Peña ay parehong maganda ang buhay sa Japan, marami na rin tayong mga kababayanang matagumpay ang buhay doon.
Sa isang linggo ay nakatakdang lumipad ng Japan ang sexy actress na si Juliana Palermo na siyang naimbitahan ng Access TV na siyang mag-host ng Buhay Japan na magiging isang regular program ng Mabuhay Channel. Ipapakita sa nasabing programa ang buhay ng mga Pinoy sa Japan. Excited siyempre si Juliana dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makarating ng Japan. Tiyempo naman at may tatlong linggo siyang break sa taping ng Ok Fine! dahil nasa Dubai si Aga at nagsu-shoot ng pelikulang Dubai para sa Star Cinema.
[email protected]
Nauna na sa Japan ang yaya ng bata na kamag-anak din ni Marlene at sa muling pagbabalik ni Marlene sa Japan ngayong April 19 ay inaasahan na niyang makakasama na ang kanyang baby.
Si Marlene ay kinse anyos lamang nang magtungo ng Japan at doon siya pinalad na mabigyan ng malaking break sa recording, radio at telebisyon. Dekada otsenta nang lumaki ang pangalan ni Marlene sa bansa ng Cherry Blossoms. Naging superstar si Marlene sa Japan noon. Nakapag-recording siya sa Toshiba at Sony na siyang pinakamalalaking recording companies sa Japan. Nagkaroon siya ng sarili niyang radio at TV show at naging in-demand din siyang product endorser doon. Dahil na-establish ng husto si Marlene sa Japan, ginawa na niya itong homebase at umuuwi na lamang siya ng Pilipinas para dalawin ang kanyang nakababatang kapatid at harapin ang iba niyang mga importanteng commitments. Kapag may oras siya, dito rin siya naglalaro ng golf. Sa Canada na naka-base ang kanyang mga magulang at ibang kapatid kaya minsan ay dinadalaw din niya ang mga ito at pag minsan naman ay sila ang dumadalaw sa kanya sa Japan.
Although nagkaroon si Marlene noon ng ilang Japanese boyfriends, sa isang Amerikano siya nagpakasal. Seventeen years niyang naging kaibigan sa Japan ang Japan-based American computer engineer na si James Chiver pero five years ago lamang na-develop ang kanilang romantic relationship hanggang silay magpakasal sa Guam, USA nung Jan. 4, 2000 sa kaarawan mismo ni Marlene. At nung June 23, 2000 sa kaarawan naman ni James ay nagpakasal sila sa chapel ng Takanawa Prince Hotel sa Tokyo kung saan din ginanap ang kanilang reception.
Kahit mag-asawa na sina Marlene at James ay magkahiwalay pa rin sila physically dahil sa kanilang trabaho. Si Marlene ay nasa Gotenyama sa Shinagawa, Tokyo habang nasa Nagasaki naman ang kanyang husband na si James na nagtatrabaho sa loob ng base. May bahay din sila sa Nagasaki na isang oras at 45 minutes by plane ang layo sa Shinagawa. Once a month na lamang kung magkita ang mag-asawa pero nag-uusap sila ng sampung beses sa loob ng isang araw sa telepono o di kaya sa cellphone. Excited na rin si James na makarating sa Japan ang kanilang adopted son ni Marlene.
Ayon kay Marlene, hindi nila itatago sa bata ang tunay niyang identity at kung sino ang kanyang tunay na mga magulang lalo pat tunay niya itong pamangkin pero saan man makarating ang bata ay dala-dala na nito ang pangalan at apelyido nilang mag-asawa.
Kahit sa Japan na naka-base si Jobelle, gustung-gusto pa rin niyang umarte at pangarap niyang mapasama sa isang teleserye.
Nakatakdang magbakasyon ng Maynila si Jobelle sa loob ng dalawang linggo sa buwang ito.
Kung sina Marlene dela Peña ay parehong maganda ang buhay sa Japan, marami na rin tayong mga kababayanang matagumpay ang buhay doon.
Sa isang linggo ay nakatakdang lumipad ng Japan ang sexy actress na si Juliana Palermo na siyang naimbitahan ng Access TV na siyang mag-host ng Buhay Japan na magiging isang regular program ng Mabuhay Channel. Ipapakita sa nasabing programa ang buhay ng mga Pinoy sa Japan. Excited siyempre si Juliana dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na makarating ng Japan. Tiyempo naman at may tatlong linggo siyang break sa taping ng Ok Fine! dahil nasa Dubai si Aga at nagsu-shoot ng pelikulang Dubai para sa Star Cinema.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















