^

PSN Showbiz

Barkada lang kami ni Oyo - Angel

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May mga balitang lumabas na umano’y on na sina Oyo Boy Sotto at Angel Locsin.

Ayon sa aktres, matagal na silang magkaibigan ni Oyo lalo na noong mamatay ang nobyong si Miko Sotto. Ito kasi ang naging hingahan niya ng lahat ng sama ng loob at pinasasaya siya ni Oyo sa oras ng pagdadalamhati. Nang magkaroon ng nobya ang aktor ay nahinto muna sandali ang kanilang pagkikita pero tuloy pa rin ang komunikasyon.

Nang magkitang muli ay loveless na si Oyo kaya walang masama kung makita silang lumalabas at sabay na nagsisimba at kumakain sa labas. "Pero barkada kami at may kasamang kaibigan. Hindi naman ako nagpaalam kay Tita Ali (Sotto) na manliligaw sa akin si Oyo. Huwag sanang lagyan ng malisya ang pagiging close friends namin ni Oyo. Sakaling dumating sa puntong manligaw siya sa akin, wala namang masama, di ba," aniya.

Ngayong si Dennis Trillo ang kapareha nito sa Darna, hindi kaya maibalik ang panunuyo ng aktor sa magandang aktres? Alam naman ng lahat na matindi rin ang crush ni Dennis kay Angel at iba ang magagawa kapag laging magkasama ang dalawa sa set ng fantaserye.
Boto Ang Mga Araneta Kay Anne
Mahal na mahal si Anne Curtis ng pamilya ng nobyo niyang si Paolo Araneta mula sa inang si Maritess Revilla na dati ring artista at ng kapatid na si Bianca Araneta.

Naroon nga si Maritess sa birthday ng aktres kung saan ipinamalas kung gaano siya (Anne) kaimportante sa kanila.

Ilang aktor na ang nakarelasyon ni Anne pero ngayon lang naging tahimik ang lovelife nito dahil non-showbiz ang boyfriend. May privacy na sila at malayo pa sa intriga ayon pa sa aktres.
Mumunting Milagro Ng Inang Poong Bato
Bilang sagradong Katoliko, naniniwala kami sa milagro gaya nang nagaganap ngayon sa aming lugar sa Lucban, Quezon kung saan dinarayo na ang aming simbahan doon at ang nanggagamot na healing priest na si Fr. Joey Faller.

Isa pang munting milagro ang nadama namin kamakailan nang bisitahin namin ang Inang Poong Bato sa Botolan, Zambales. Kasama ko ang aking ina at kapatid na babae. Kami lang tatlo ang narun at hiwa-hiwalay pa ng luhuran. Nang nakaluhod na ako para magrosaryo ay nanginig ang buo kong katawan pero makalipas ang ilang sandali ay nawala na yun.

Tinawag ko ang aking ina na may karamdaman din at kapatid para magkatabi kung saan magli-lead ako ng rosary.

Nang matapos kami sa pagdarasal ay nagkwentuhan kami at nasabi ng aking ina na nakaamoy siya ng kandila pero mabango ang amoy. Nagulat ang aking kapatid dahil ganito rin ang kanyang naamoy pero saglit lang. Wala namang nakasinding kandila sa loob ng kapilya.

Talagang mapaghimala ang Inang Poong Bato kaya dinarayo ito ng maraming taong naniniwala sa milagro.

Balik ang kwento ko kay Fr. Faller. Tuwing Lunes ay may misa sa simbahan sa Lucban Quezon. Ang ama ko ay na-stroke kaya dahan-dahan lang kung lumakad. Minsan ay nagsimba ito at isa sa mga ginamot ni Fr. Faller. Halos hindi na ito makalakad pero nang palakarin siya ni Fr. na nasa harap ng altar ay mabilis itong nakalakad kaya pinalakpakan ng mga tao.

Ang mga mumunting milagrong nagaganap sa ating buhay bilang Kristiyano ang higit pang nagpapatibay sa ating pananampalataya kay Lord.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BIANCA ARANETA

BOTO ANG MGA ARANETA KAY ANNE

DENNIS TRILLO

INANG POONG BATO

JOEY FALLER

NANG

OYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with