John Prats, dini-date si Jeni Hernandez
December 12, 2004 | 12:00am
Akala ng marami na dahilan sa muling nawalan si John Prats ng kapareha in the person of Maja Salvador ay magmumukmok na lamang ito. Second time na itong nawalan siya ng ka-loveteam, nauna na si Heart Evangelista.
Hindi ganito ang eksena kay John na sa halip na malungkot dahil nag-iisa siyang muli ay ginagawang positibo ang pangyayari dahil, muli, mapapatunayan niya na kaya pala niyang mag-isa, walang ka-loveteam.
Hindi naman siya nagsosolo sa tunay na buhay, nagdi-date naman siya. Katunayan, inamin niya na dini-date niya si Jeni Hernandez, minsan grupo sila, pero, nakalabas na rin silang dalawa lamang. Nagbu-bowling sila, kumakain o kaya ay nanonood ng sine.
Sinabi niyang gustung-gusto niya ang innocent look ni Jeni, "Simpleng babae siya na maganda," ani John na isa sa pinarangalan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang masaganang tanghalian dahilan sa nakasama ito sa Mano Po 3 ng Regal Films para sa MMFF. Ang iba pa ay sina Jill Yulo at Marvin Agustin (Spirit of the Glass), Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Patrick Garcia (Mano Po 3), Kristine Hermosa (Enteng Kabisote) at Danilo Barrios (Lastikman).
Birthday celebration ni Allan K ngayong gabi sa All Star K!, ang nag-iisang videoke sa TV, GMA7, pagkatapos ng KMJS.
Magpapasikat sa kantahan sina Joey de Leon, Aiza Seguerra, Jose, Wally, Andrew de Real, Jun Nardo at Philip Lazaro. Sino kaya sa kanila ang papasa sa Killer! na si Francis M.?
Abangan ang magiging kahilingan ng Jackpot Round Player dahil kahilingan ni Allan K. ang hihingin nito.
Malungkot man ang Pasko ng marami dahilan sa kahirapan, pipilitin naman ng 30th Metro Manila Film Festival (MMFF) na pasayahin ang taunang pagdiriwang sa pamamagitan ng makukulay at star-studded na aktibidades.
Kinumpirma ng MMDA na lahat ng entry ay magkakaroon ng float sa parada na maglululan ng mga artista ng bawat pelikula.
Sa Dis. 24 ito magaganap. Magsisimula sa Elliptical Rd, dadaan ng Araneta, Ave. Magsaysay Ave., Quirino Highway hanggang Roxas Blvd. na kung saan ay magtatapos ito sa harap ng Aliw theater sa CCP complex.
May apat na judging stations, QC Circle, Cr. Quezon and Araneta Aves., Plaza Dilao sa Paco at Sotto St. sa CCP Complex. P2M ang mapapanalunan ng mga mananalong floats. May magaganap na special shows sa apat na judging stations.
May parada rin sa Baguio (Dec. 15), Lucena (Dec. 18), Davao (Dec. 20) at Cebu (Dec. 22)
May gagawin ding serye ng Fans Day at Star Bazaar.
Kaabang-abang ang Rock With The Stars sa Dec. 26 at 27.
Hindi ganito ang eksena kay John na sa halip na malungkot dahil nag-iisa siyang muli ay ginagawang positibo ang pangyayari dahil, muli, mapapatunayan niya na kaya pala niyang mag-isa, walang ka-loveteam.
Hindi naman siya nagsosolo sa tunay na buhay, nagdi-date naman siya. Katunayan, inamin niya na dini-date niya si Jeni Hernandez, minsan grupo sila, pero, nakalabas na rin silang dalawa lamang. Nagbu-bowling sila, kumakain o kaya ay nanonood ng sine.
Sinabi niyang gustung-gusto niya ang innocent look ni Jeni, "Simpleng babae siya na maganda," ani John na isa sa pinarangalan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang masaganang tanghalian dahilan sa nakasama ito sa Mano Po 3 ng Regal Films para sa MMFF. Ang iba pa ay sina Jill Yulo at Marvin Agustin (Spirit of the Glass), Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Patrick Garcia (Mano Po 3), Kristine Hermosa (Enteng Kabisote) at Danilo Barrios (Lastikman).
Magpapasikat sa kantahan sina Joey de Leon, Aiza Seguerra, Jose, Wally, Andrew de Real, Jun Nardo at Philip Lazaro. Sino kaya sa kanila ang papasa sa Killer! na si Francis M.?
Abangan ang magiging kahilingan ng Jackpot Round Player dahil kahilingan ni Allan K. ang hihingin nito.
Kinumpirma ng MMDA na lahat ng entry ay magkakaroon ng float sa parada na maglululan ng mga artista ng bawat pelikula.
Sa Dis. 24 ito magaganap. Magsisimula sa Elliptical Rd, dadaan ng Araneta, Ave. Magsaysay Ave., Quirino Highway hanggang Roxas Blvd. na kung saan ay magtatapos ito sa harap ng Aliw theater sa CCP complex.
May apat na judging stations, QC Circle, Cr. Quezon and Araneta Aves., Plaza Dilao sa Paco at Sotto St. sa CCP Complex. P2M ang mapapanalunan ng mga mananalong floats. May magaganap na special shows sa apat na judging stations.
May parada rin sa Baguio (Dec. 15), Lucena (Dec. 18), Davao (Dec. 20) at Cebu (Dec. 22)
May gagawin ding serye ng Fans Day at Star Bazaar.
Kaabang-abang ang Rock With The Stars sa Dec. 26 at 27.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















