^

PSN Showbiz

Nag-backout sa MMFF ang Star Cinema at Angora Films kaya di nakasali sa pilian !

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nais naming linawin ang balitang hindi nakapasa sa panlasa ng selection committee ng MMFF ang dalawang entries ng Star Cinema, Lihim at D Anothers kaya di napasama sa Magic 8.

Ang totoo niyan ay nag-back-out ang Star Cinema dahil sa kakapusan ng panahon na matapos ang dalawang pelikula para sa pagdiriwang ng MMFF.

Nag-back-out din ang Pagkagat ng Dilim ng Angora Films at di totoong nalaglag din sa Magic 8. Nais din naming linawin na ang announcement ng Magic 8 ay by random at di nangangahulugan na ang naunang anim na entries ay ipalalabas sa December 25 at ang dalawang nahuli ay sa January 1. Hindi pa napipili ang mga pelikulang ipalalabas sa Pasko at yung iba para sa Bagong Taon. May screening committee na siyang mamimili sa mga ito.
Takot Sa Press!
Close friend noon sina Karen delos Reyes at Angel Locsin dahil nasa isang kwadra sila ni Becky Aguila na manager nila. Pero dumating sa puntong naging malamig ang friendship ng dalawa at inamin ni Karen na dalawang taon din silang may gap.

Magkasama ang dalawa sa Mulawin ngayon kaya naitanong namin kung manunumbalik ang kanilang pagkakaibigan? "Ngayong magkasama kami sa dalawang project ay nag-uusap na kami. Pero hanggang "hi" and "hello" na lang ang drama namin at di ko na ikinukwento ang mga pangyayari sa aking buhay gaya ng problema ko o yung tungkol sa parents ko," aniya.

Sinabi pa rin ni Karen na kung kailan siya tanggap ng mga manonood bilang kontrabida ay saka naman siya nag-mellow. Na-realize din niya ang kahalagahan ng mga press people sa kanyang career kaya close na siya sa mga ito. Noon kasing may problema siya sa pamilya ay takot siyang makipag-usap o magpa-interview sa mga reporter dahil sa takot na mabulatlat ang buhay.
Yasmien, Nagwo-Work-Out Na
Tinutuksong mataba si Yasmien Kurdi at kita naman sa telebisyon kung gaano kalaki ang kanyang braso lalo na kapag nagsasayaw sa SOP. Kaya naman apektado ang young actress ng mga panunukso na naging dahilan para mag-work-out siya twice a day. Kailangan niyang magpapayat para di na siya tuksuhin ng mga kasamahang artista.
Keanna, Kakasuhan Ng Kongreso!
Nagpahayag si Sen. Juan Flavier nakaya siguro nagsiwalat si Keanna Reeves tungkol sa mga sexy starlets na kumikita bilang escort girls na binabayaran ng mga pulitiko kapalit ng sex ay para tumaas ang market value nito.

Noong una ay matapang ito sa pagsasabing handa siyang humarap sa Senado pero nabahag ang buntot dahil ikinatwirang pinangangalagaan n’ya ang pamilya dahil nakakatanggap na ng death threat.

Pero ngayon ay hinahamon siya sa Kongreso para mag-name names kung sino ang mga pulitikong kanyang sinasabi. Kapag wala siyang maituro ay kakasuhan siya ng mga kongresista.
Mukha Lang Inosente Pero, Mahilig Din Sa Casual Sex
Kung titingnan mo ang aktres na ito ay waring hindi makabasag-pinggan. Pero nasa loob pala ang kulo lalo na pagdating sa pakikipagromansa sa nobyo na isa ring aktor.

Kapag dinadalaw daw ito ng kanyang nobyo sa taping ay tahimik lang sila sa isang sulok at nagkukwentuhan. Pero, kapag taping break na ay doon sila sa van ng aktor nagpapahinga at doon din gumagawa ng milagro. Kasal na lang ang kulang sa dalawa.

Sey nga ng source ko na hindi mo mahahalata ang aktres na mahilig ding makipag-quickie kahit sa van dahil parang inosente ito pagdating sa sex.

Mabilis nakagawa ng pangalan ang magandang aktres dahil magaling umarte at talaga namang maganda ang mukha. Nakatali ito sa isang major network at may regular show.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGORA FILMS

BAGONG TAON

CENTER

PERO

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with