^

PSN Showbiz

Iza Calzado, may problema sa letter R

-
Kasama si Iza Calzado sa top 10 Beautiful Women na napili ng Meg Magazine. Silang dalawa lang ni Zsa Zsa Padilla ang taga-showbis na nakasama sa listahan ng magagandang babae sa fashion, business and society.

Sa mga nagbibiro kay Lito Calzado (Iza’s dad), kung saan siya nagmana ng ganda, ang namayapang ina ang itinuro ni Iza. Maganda raw ang mommy niya pero, may nakuha rin daw siyang ganda sa kanyang ama.

Incidentally, kahit si Iza ay matatawa ‘pag ipinarating namin ang comment na naka-post sa Internet sa nasulat naming siya ang gaganap sa TV adaptation ng Darna. Hindi raw maiintindihan ng viewers kapag sumigaw na siya ng Darna’t ang lalabas ay Dawna’t hindi niya ma-pronounce ng malinaw ang letter "r". Alam ni Iza ang kanyang depekto’t naikuwento nitong pinagtatawanan siya ni Segundo Cernadas dahil sa halip na Fernando ay Fewnando ang naitatawag niya rito sa Te Amo. Sabi ni Iza, balak niyang komunsulta sa doctor na dalubhasa sa speech deficiency
* * *
Para kaming syongaer (as in tanga at pinauso ni Ai-Ai delas Alas) kapag nanonood ng TV dahil lagi naming inaabangan ang paglabas ng commercial ng isang fastfood at telecommunication. Ganoon din ang feeling namin ‘pag kami’y naggu-grocery, iniisa-isa namin ang mga bote ng Creamsilk conditioner dahil sabi ni Paolo Bediones, ang TV commercial model girlfriend niya’y endorser ng fast food at telecommunications at nasa bote ng conditioner ang litrato nito.

Ilang beses na kaming tumutok sa TV at ang nagmarka pa lang sa amin ay ang TV commercial ng McDo at Globe pre-paid card na tampok si Geoff Eigenmann. ‘Yung babae kaya na tinext at niyaya ni Geoff na kumain sa McDo na ang GF ni Paolo? Maganda nga, sexy at long hair siya.

Mas nakakaloka ang ginawa namin sa Shopwise kapag kami’y naggu-grocery. Kainis si Paolo dahil hindi in-specify kung anong kulay ng bote ng Creamsilk nakalagay ang picture ng GF, hindi tuloy namin malaman kung ‘yung babae sa green, white o blue bottle ang lady love niya. Tingin namin, magkakaibang babae ang nakalagay o baka naman, nagkamali lang kami ng tingin. Ang hirap talaga ng tsismosa!

Anyway, 21-year-old lang ang GF ni Paolo at siya’y 30 years old. So far, nagwu-work daw ang nine years age gap nilang dalawa. Nakilala niya ang GF sa launching ng website ni Martin Nievera, naging friend at ngayon, item na sila.
* * *
Hindi naman pala matsutsugi ang Tanging Ina, gaya ng mga nasulat. Gusto lang ng mga taong nasa likod nito’y gawin itong reality show na tinutulan ni Ai-Ai delas Alas. Tama nga naman ang argumento niyang sitcom ang kanyang show at hindi reality show at nakakapagod daw ang reality show.

Kaya naman gustong baguhin ang format ng show dahil tumaas ang rating nito at halos pumantay sa rating ng katapat na Daddy Di Do Du nang mag-try silang gawin itong reality show sa isang episode.

Kailangan lang kumbinsihin pa ng husto si Ai-Ai dahil ayaw nitong baguhin ang format ng show. On the other hand, maganda nga namang pantapat sa magic-magic ng sitcom ni Vic Sotto kung magiging reality show ang Tanging Ina.
* * *
May kuwento sa taping ng K! The Videoke Challenge kung saan guests sina German Moreno, Madame Auring, Eddie Gil at Mystica. Isa sa kanila’y nanalo sa first round at nakakuha ng P100,000. Ibinigay sa winner ang props money na ginagamit tuwing may nananalo.

Pagkabigay ng props money, agad itong ibinulsa ng winner sa pag-aakalang totong pera ang ibinigay sa kanya. Nagkagulo dahil hinanap ang props money nang magsisimula na ang taping ng next segment. Mabuti na lang at may staff na nakakita nang tuwang-tuwang ibulsa nang aming tinutukoy ang props money.

Nagkahiyaan ang staff na bawiin ito sa nagbulsa pero, noong kailangan na talaga ang props money, may naglakas ng loob na hingin ito sa winner. Gulat na gulat ito nang bawiin sa kanya ang bugkos ng pera’t ipaalam na peke ang kanyang ibinulsa.

Clue? Hindi si kuya Germs ang aming tinutukoy! Manood na lang kayo sa August 15 at malalaman ninyo kung sino siya!

vuukle comment

AI-AI

BEAUTIFUL WOMEN

CREAMSILK

DADDY DI DO DU

DAHIL

IZA

LANG

SHOW

TANGING INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with