^

PSN Showbiz

Bong, makabalik pa kaya sa TV ?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Napakarami nang nagtatanong sa akin kung babalikan pa ni Bong Revilla ang sitcom na Idol Ko Si Kap.

Bagaman at hindi naman naapektuhan ang rating ng show ng pagkawala ni Bong, still marami ang nakaka-miss sa kanya sa show, lalo na kaming matagal niyang nakasama rito.

Baka siguro kapag hindi maganda para sa kanya ang naging resulta ng eleksyon, although malabong mangyari ito dahil sa lahat ng surveys na lumabas ay palaging nangunguna ang kanyang pangalan.

Alam kong sinabi niya na babalik siya sa show kahit manalo siya pero, I doubt it dahil masyado nang marami ang magiging trabaho niya sa Senado kung kaya baka rin, hindi na niya matupad ang pangako niya. Siguro, baka mag-guest na lamang siya paminsan-minsan.

Ayaw ko ring magsalita ng patapos. After all, si Bong lamang ang makasasagot ng katanungan kung babalik pa siya sa show o hindi na.
* * *
Napapansin ko lamang, masyado nang personalan ang labanan ngayon sa pulitika. Naghahanapan na ng mga dirty lines ang mga kandidato na maipupukol sa kanilang mga kalaban.

Natatandaan ko nun na pagandahan lamang ng plataporma ang pinagbubuhusan ng panahon ng mga kandidato at hindi yung manalo lang ay kahit makasakit na ng loob ng kapwa, para tuloy hindi na sila Kristiyano. Ito ang pagbabagong hindi maganda, di ba?
* * *
Hangang-hanga si Gary Valenciano sa aking set nang dumating ito nung Sabado para pagbigyan ang paanyaya ko na mag-guest naman siya ng Master Showman. Hindi niya maubos-maisip kung paano ko napaganda ang harap ng GMA Center na parang isang napakalaking stage. Sinabi ko na lamang sa kanya, na sa lahat ng aking mga palabas, palaging hands on ako sa pagsasaayos ng aking set. Ako pa mismo ang lumalabas at bumibili ng mga materyal na magagamit para sa pagpapaganda nito.

May repeat na naman si Gary ng kanyang Gary V Hits Concert sa Music Museum sa April 13-14 at 26-27. He will be having the same guests tulad ng kanyang anak na si Gabriel Valenciano. Pero susubukan pa nila, baka makasama rin si Paolo na kung inyong natatandaan ay nagkasakit ng grabe pero ngayon ay magaling na magaling na.
* * *
Nagulat ako dahil nang manood ako sa isang sinehan sa Robinson’s ay nakita ko ang trailer ng Masikip sa Dibdib ni Rufa Mae Quinto. Impressive talaga ang trailer na kumuha ng atensyon ng mga manonood dahil ikinumpara ito sa Lord of the Rings na sabi ay ang Masikip daw ang papalit dito. Talagang natawa ang manonood nang makita na it was Masikip that was being referred to at hindi na natapos ang pagtawa ko hanggang di natatapos ang trailer.

Sana nga mag-hit ito, di lamang para sa Viva na matagal na ring walang hit kundi para rin kina Rufa Mae at Rudy Hatfield na kasosyo sa pelikula.

vuukle comment

BONG REVILLA

GABRIEL VALENCIANO

GARY V HITS CONCERT

GARY VALENCIANO

IDOL KO SI KAP

LORD OF THE RINGS

MASIKIP

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with