^

PSN Showbiz

Binabantayan ang manliligaw

-
Nagkita kaming bigla ng teen star singer na si Lovely Mansueto kung saan kasama ni Lovely ang kanyang parents.

Natawa si Lovely nang tanungin ko kung totoo bang nakabantay ang parents niya kapag may pumoporma sa kanilang bahay? Hindi naman daw eksaktong nakabantay kundi nagtatanong lang, kung sino ba itong may dalang chocolate and roses sa kanilang unica hija.

"Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo sa kanilang pagbabantay. Wala namang masama. Talaga namang ganun ang magulang, gustong malaman kung okey ba o hindi ang mga pumapanhik ng ligaw. Lalo na sa panahong ito na kahit nakatodo porma pero yun pala, lasenggo at nagdodroga kapag nasama ng barkada? Dalagang-dalaga na kasi si Lovely ngayon. Isip bata man, nagdadalagang isip din paminsan-minsan.

"Sa totoo lang, ayaw ko pang ma-in love. Problema lang ito para sa akin," kwento ni Lovely na mag-aaral sa darating na pasukan.

Ayaw na niyang itodo ang pansin sa pag-aartista. Gusto niyang pakanta-kanta na lang.

Masaya nga ang may-ari ng Bodega City dahil big hit si Lovely noong dalawang beses na nag-concert doon. May offer nga siyang show sa Japan pero, takot siyang tumawid ng dagat lalo’t nag-iisa. — Vir Gonzales

vuukle comment

AYAW

BODEGA CITY

DALAGANG

ISIP

LOVELY

LOVELY MANSUETO

MASAYA

NAGKITA

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with