^

PSN Showbiz

Judy Ann, Piolo may teleseryeng muli

-
Sa pinakahuling pahayag ni Alfie Lorenzo, ang manager ni Judy Ann Santos ay gagawa uli ng panibagong teleserye sina Judy Ann at Piolo Pascual sa susunod na taon. Isusunod ito agad sa pagtatapos ng Basta’t Kasama Kita sa buwan ng Mayo at kung masusunod ang pinag-usapan nila ni Ms. Malou Santos ay posibleng isabay dito ang gagawing pelikula ng dalawa sa taong ito kasunod ng kanilang monster hit na Till There Was You.

Ipinahayag ito ng talent manager sa kanyang Saturday show at ayon pa sa kanya, nag-suggest ito kay Ms. Santos na gawin ang pelikula ng dalawa sa Greece para magkaroon ng pagkakataon ang mga manonood na masilip ang tradisyon at kultura ng maromansang lugar. Tiyak nito na di malulugi ang Star Cinema sa kanilang gagawin dahil lalampasan pa nito ang kita ng TTWY dahil madadagdagan ang curiosity ng movie-going public dahil naiiba iyong lugar na pagkukuhanan ng syuting.

Samantala, habang hinihintay ang naturang buwan ay magiging abala muna si Juday sa gagawin nitong pelikula sa Star Cinema, ang Feng Shui na hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa kung sino ang magiging leading man nito. Papel ng isang barumbado at nambubugbog na asawa ang gagampanan ng kanyang leading man kaya iniisip ng management na hindi babagay kay Jericho Rosales ang papel. Isa sa pinagpipilian si TJ Trinidad, nagmukhang bruskong-brusko ito sa ilang eksena sa BKK nang minsang nagpahaba ito ng balbas. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

ALFIE LORENZO

FENG SHUI

JERICHO ROSALES

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

KASAMA KITA

MS. MALOU SANTOS

MS. SANTOS

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with