^

PSN Showbiz

Carol, tuluyan nang namaalam

RATED A - Aster Amoyo -
Personal na pinabulaanan ni Carol Banawa na mag-aasawa na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na naka-base sa Amerika kaya niya tatalikuran ang kanyang career. Ayon sa dalaga, ang pagpapagamot sa kanyang paralisadong ama ang gusto niyang tutukan kaya aalis silang mag-anak para doon na lahat mamirmihan.

Alam ni Carol na hindi naging madali ang kanyang naging desisyon dahil ang kanyang career dito ang kapalit.

Huling napanood si Carol sa ASAP Mania kung saan niya madamdaming ni-launch ang kanyang bagong album sa Star Records na pinamagatang "Follow Your Heart." Hindi siyempre napigil ni Carol ang maiyak.
* * *
May laplapan (as in torrid kissing scene) sina Aiai delas Alas at Carlos Agassi sa pelikulang Pinay Pie.

Ayon mismo kay Aiai, bahala na raw ang mga manonood humusga kung malaswa o hindi ang kanilang kissing scene ni Carlos na umaming masarap humalik ang singer-comedienne.

Comedy ang tema ng pelikula pero hindi ito for general patronage. Edad trese pataas ang target audience ng pelikula na dinirek ni Jose Javier Reyes na siya ring sumulat ng istorya for Star Cinema.

Ang Pinay Pie ay magsasalarawan ng iba’t ibang kahinaan at strength ng mga babae na madalas mabiktima sa larangan ng pag-ibig.
* * *
Dalawa ang film entry ng OctoArts Films sa darating na Metro Manila Film Festival-ang horror-suspense na Malikmata na tatampukan nina Rica Peralejo, Marvin Agustin at Dingdong Dantes mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes. Ang pangalawang kalahok ay ang Funtastikman na pagbibidahan naman ng TV host-comedian na si Vic Sotto kasama sina Ara Mina at Michael V. Ito’y mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes na siya ring nagdirek ng Lastikman na isa sa mga top grosser nung nakaraang MMFF.
* * *
Dalawa rin ang magiging entry ng Regal Films sa MMFF ganundin ang Viva Films. Sa ilalim ng Regal Films ang Mano Po 2 at MAQ Productions naman ang Gagamboy na siyang magiging solo launching movie ni Vhong Navarro. Ang parehong pelikula ay mula sa pamamahala ni Erik Matti.

Ang dalawa namang kalahok ng Viva Films ay ang Filipinas, May Isang Ina na pamamahalaan ni Joel Lamangan at ang Kapten Barbel ay co-production naman ng Viva at ng Premiere Productions at ididirek ni Mac Alejandre.
* * *
Nagkaroon ng live concert ang Boyfriends nung nakaraang Agosto 19 sa Virgin Cafe. Although hindi kumpleto ang apat na original members na kinabibilangan nina Joey Abando, Gary Arriola, Art Ilacad at Bob Guzman, napanatili pa rin ng mga naiwang miyembro na sina Gary at Bob ang dating tunog ng grupo.

Naging nostalgic ang performance nila lalo na nang sunud-sunod nilang kantahin at tugtugin ang kanilang mga classic hits tulad ng "Dahil Mahal Kita" at "Sumayaw, Sumunod" na parehong ni-revive ni Ogie Alcasid "Nais Kong Malaman Mo," "Araw-araw," "Dito sa Puso Ko," "First Love Never Dies" at marami pang iba.

Kasama na rin sa Boyfriends ngayon ang dalawang original members ng dating grupong Abrakadabra, ang magkapatid na Jun at Nitoy Mallillin kasama sina Angel Tiongson (ang singer-composer and producer noon ng mga awitin ni Eva Eugenio) at isa pang Jun na nakaligtaan namin ang apelyido.

Since usung-uso naman ang mga revivals ngayon, minabuti ng Boyfriends na muling magbalik lalo pa’t patuloy namang tinutugtog at kinagigiliwan ang kanilang mga awiting pinasikat nung early 80s.

I wonder kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating lead vocalist ng grupo na si Joey Abando. Magmula kasi nang kumalas ito sa grupo ay wala na kaming balita sa kanya. Si Art Ilacad naman ay nagtayo na ng kanyang sariling negosyo.
* * *
Matagal nang hiwalay ang singer-turned businesswoman na si Eva Eugenio sa kanyang asawang si Boy Sebastian kaya mag-isang iginagapang ni Eva ang kanyang kaisa-isang anak na si Evangeline Nora Mae (Meg-Meg) na nasa Grade 9 na ngayon sa Brent International School.

Palibhasa’y nag-iisang anak lang si Meg-Meg, kaya kinaya ni Eva na makapag-aral ang kanyang anak sa isang mamahaling iskwelahan.

Nang mag-lay low si Eva sa kanyang singing career, pinagtuunan niya ang pagtatayo ng sarili niyang negosyo - ang pagpapadala ng mga talents sa Japan kung saan din matagal na nagtrabaho si Eva bago pa man siya sumikat bilang isang mang-aawit.

Si Eva ay nakilala nang husto sa pamamagitan ng kanyang signature hit song na "Tukso" na sinundan ng marami pang hits tulad ng "Haplos," "Mahal Mo Ba Siya?" "Ano Ang Gagawin?" "Gulong ng Palad" at marami pang iba.

Nang dahil sa pagsisikap ni Eva, naitaguyod niya ang kanyang pamilya - ang kanyang biyudang ina at mga kapatid.

vuukle comment

CENTER

EVA

EVA EUGENIO

JOEY ABANDO

KANYANG

PINAY PIE

REGAL FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with