^

PSN Showbiz

Isa pang kabanata nina Jordan at Jojit de Nero

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Nung Pebrero nu’ng nakaraang taon ay meron na kaming nai-fax na materyales sa pahayagang ito na pinakiusapan ni Jojit de Nero na huwag naming ilabas.

Binasa namin ng buo sa kanya ang nilalaman ng nasabing kolum. Wala naman siyang idinenay pero maayos at maganda pa kasi ang relasyon nila noon ni Jordan Herera, kaya pinigilan niya kaming ilabas.

Marespeto kami sa mga ganung pakiusap, hindi namin itataya ang isang mahabang pakikipagkaibigan sa isang simpleng pabor lang, lalo na kung sa gagawin namin ay may maiipit namang mga tao sa proseso.

Pero nung isang gabing nagkausap kami ni Jojit ay ipinagpaalam namin sa kanya na ilalabas na namin ang kanyang mga sama ng loob sa aktor-aktorang si Jordan, ang myembro ng Power Boys na mukhang wala ng power ngayon at pinayagan naman niya kami.

Naganap ’yun nung Valentine’s Day, nagpunta si Jojit sa bahay nina Jordan sa Angat, Bulacan. Pagdating niya sa bahay ay kung anu-anong hinabing kwento ang isinalubong sa kanya ng ina ni Jordan. Kesyo may sumundo raw na kaibigan dito, kesyo may pinuntahan daw, pero nagtaka si Jojit kung bakit nandun naman ang kotse nito na siya ang bumili.

Nagpilit na magtanong si Jojit kung nasaan si Jordan, kaya nang masukol ang mga tao sa bahay ay umamin na rin ang mga ito na nandun nga si Jordan.

Pag-akyat ni Jojit sa kwarto ni Jordan ay may nakita siyang babae. Hindi na namin papangalanan pa ito kahit alam namin, isesentro na lang namin ang isyu kina Jordan at Jojit.

Para raw siyang pinagsukluban ng langit at lupa nang makita niya ang babae, sabi ni Jojit, dahil lantaran nang pambabastos yun sa kanya.

Naunawaan ni Jojit na lalaki si Jordan at babae pa rin ang hahanapin nito sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng relasyon. Pero hindi naisip ni Jojit na kapag nandun na pala sa mismong harapan niya ang babae ay masasaktan pa rin siya at maaapektuhan ng todo.

Pinalampas lang ’yun ni Jojit, tanga ang kanyang puso, anumang gawin ni Jordan ay nalulusutan nito dahil mahal nga niya ito.
* * *
Nung isang linggo naganap ang pinakamatinding pangyayaring gumising kay Jojit sa katotohanan. Hindi na kasi babae ang nakataya sa isyu, pera na.

May birthday concert na binuo si Jojit para sa kanyang mga bagong alaga, ang Hot Guys at may show sila sa Laffline. Kinausap niya si Jordan at ang manager nito, pumayag namang maging panauhin si Jordan sa pa-birthday concert niya.

Pero nung tanungin na niya si Jordan kung kakanta ba o rarampa o sasayaw sa show ay iba ang naging sagot ng binatang-ama.

"Magkano ba ang budget ko sa show?" tanong nito kay Jojit, na halos ikawala nito ng ulirat.

Para kay Jojit kasi ay pwede siyang tanungin ng kahit sino tungkol sa budget, pero hindi ni Jordan, dahil siya ang dahilan kung bakit nakapamumuhay ito ng masagana pati na ang pamilya nito.

Sagot ni Jojit kay Jordan, "So, pera-pera na lang ba talaga ang labanan ngayon? Pwede kitang bayaran ng kahit one hundred thousand ngayon, pero mag-show kang mag-isa, wala ang Hot Guys!"

Ngayon pa lang nahihimasmasan si Jojit sa mga ginagawa sa kanya ni Jordan, ang mga nakaraang pangyayari ay nakadagdag sa sama ng loob niya ngayon. "Oo nga pala, naaalala nga lang pala niya akong tawagan at puntahan kapag may kailangan siya," biglang naalala ni Jojit de Nero.

Maging nung selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Punchline ay hindi dumating si Jordan, wala naman kasing talent fee ang pag-alala at pagbati sa may kaarawan. Naisip na lang ng mga taong malapit kay Jojit kaya hindi man lang nakaalalang magpunta dun ng aktor-aktoran.

Ngayon ay napuno na si Jojit, hindi na niya iniiyakan kung hindi man tumatawag o nagti-text o nagpapakita sa kanya si Jordan, siguro nga’y nagising na siya sa katotohanan na ang tingin lang naman kasi ni Jordan sa kanya ay wallet na hindi nauubusan ng laman.

vuukle comment

HOT GUYS

JOJIT

JORDAN

LANG

NAMIN

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with