^

PSN Showbiz

Kyla suportado si JayR!

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Malakas pala ang chemistry nina JayR at Kyla. Nang mapanood ko silang mag-duet kamakailan, ramdam ko ang kakaibang magic ng tambalan nila sa stage.

Dumating si Kyla upang magbigay ng suporta sa album launching ni JayR kamakailan sa Dish. May dahilan pala ang panunukso sa kanila. Bagama’t sinasabing may girlfriend na si JayR.

Samantala, kung kadalasan sa mga baguhang singer ay kinakanta ang awitin ng mga sikat nang mang-aawit para mabilis silang makilala, iba ang pananaw ni JayR, ang sinasabing R&B prince ng Universal Records. Hindi siya takot kantahin ang mga sarili niyang komposisyon.

Naging writing collaborative siya ng ilang singers – Steve Singer, Donna Cruz, Vanna, Vanna, Jason Everly, Gary Brown, Gladys Knight, Kenny Ladmore, *Nsync at marami pang iba. Kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon nang makatanggap siya ng offer sa GMA na mapasama sa SOP.

Palibhasa’y laking States si JayR kaya pawang hip hop ang kanyang kanta tulad ng "Design For Love," "Where Do We Go," "All I Need," "I Got A Girl," "Farewell," "River Running," "Gameface," "Tongue," "My Bestfriends Girl," at "Our Love". Meron ding dalawang Tagalog song na "Kaibigan" at "Bakit."

Ang album ay may self-titled na "JayR Gameface" na produce ng NU Life Entertainment at release ng Universal Records.
* * *
Isang malaking tagumpay ang katatapos na Greatest Hits Just Once concert nina Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison nung nakaraang Sabado sa Araneta Coliseum.

Isa sa mga naging highlight ay nang kantahin ni Rey Valera ang isa niyang komposisyon na may pamagat na "Sa Aking Panahon". Ito’y tungkol sa mga pangit na kaganapan sa ating bansa sa kasalukuyan.

Hindi lang mga love songs ang sinusulat ni Mr. Valera. Marami siyang kanta na ang tema ay may kinalaman sa mga kapalpakan ng ating kapaligiran. Yun nga lang di pa ito nari-record kaya hindi pamilyar sa ating lahat.

vuukle comment

ALL I NEED

ARANETA COLISEUM

DESIGN FOR LOVE

DONNA CRUZ

GAMEFACE

GARY BROWN

GLADYS KNIGHT

REY VALERA

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with