^

PSN Showbiz

KC, di bilib sa ligawan

- Veronica R. Samio -
Patuloy ang pagiging matagumpay ni KC Concepcion. Sa kabila ng katotohanang ayaw niyang mapabilang sa showbiz at sa halip ay gustong makatapos ng kanyang pag-aaral sa abroad, eto na naman at mayroon siyang bagong produkto na ie-endorso, ang pH Care, dati ay solong ini-endorso ng Megastar niyang nanay na si Sharon Cuneta.

Pormal siyang inilunsad bilang pH Care model kamakailan lamang where, again, she was grilled by the movie press, hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang bagong komersyal kundi maging sa ilang personal na bagay.

Isa sa mga bagay na sinagot niya during the launching ay ang pagiging magkaibigan lamang nila ni Piolo Pascual. Totoo na sumasama siyang makipag-date dito pero, bilang magkaibigan at hindi bilang suitor.

Gayundin daw si Luis Manzano.

"Hindi ako naniniwala sa ligawan," pag-amin niya. "Gusto ko magkaibigan muna kami hanggang sa mauwi ito sa mas seryosong relasyon."

Ikinwento niya na nung limang taon siya ay may nakahalikan siyang isang kalaro. "First kiss ko yun kaya, mula nun tinawag na siya ng mommy ko na boyfriend ko raw," pagbabalik alaala ni KC.

Sinabi rin ni KC na ang pamilya niya ay bumubuo ng pinaka-malaking bahagi ng kanyang buhay, maging ang kanyang amang si Gabby Concepcion dahil madalas na silang magpalitan nito ng text messages.

Bagaman at ang pag-aaral niya sa abroad ang pinakapriority niya ngayon, sinabi niyang ang paggawa ng komersyal at paminsan-minsang paglabas sa mga may kinalaman sa showbiz ay hindi niya hihindian.
* * *
Wala na yata akong makikitang teener na hindi nahihibang sa F4. Si Angelene Aguilar na nakausap ko sa thanksgiving party ng Tabing Ilog dahilan sa pagsapit nito ng kanyang 4th anniversary ay isang avid fan ni Jerry Yan o Dao Ming Zi. Talagang kahit anong paninira dito gaya ng pagsasabi ng pagiging suplado nito at salbahe ay hindi makakabawas sa kanyang paghanga sa Taiwanese artist.

Si Angelene ang pinaka-batang myembro ng Tabing Ilog at ang role niya ay nakikipag-unahan kay Camille Prats sa pag-ibig ni Paolo Contis.

Para sa isang kabataan na nagmakaawa sa kanyang mga magulang para siya payagang mag-artista ay talagang masasabi na malayo na ang nararating ni Angelene.

vuukle comment

CAMILLE PRATS

DAO MING ZI

GABBY CONCEPCION

JERRY YAN

KANYANG

LUIS MANZANO

NIYA

PAOLO CONTIS

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with