^

PSN Showbiz

Bold actress, sagana sa sex

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Open sa pagsasabi ang baguhang sexy star na sagana siya sa sex. Gusto niya na lagi siyang nadidiligan kumbaga sa halaman. Sabi niya ay malaki ang naitutulong ng madalas na pakikipag-sex para lalong gumanda ang kanyang katawan.

Inamin nito na sa nakaraang tatlong boyfriend ay madalas siyang makipag-sex pero nagkakahiwalay din sila. Mabuti na lang at di nalaspag ang katawan ng sexy star at na-maintain ito dahil ganadong mag-work-out.
STRONG CONTENDER FOR MFF BEST ACTOR
Pinalakpakan ng mga taga-screening committee ng Manila Film Festival ang entry na Operation Balikatan dahil sa napapanahong kwento na may aksyon at puso. Ito’y may kinalaman sa kasalukuyang nagaganap sa ating bansa kung saan nagsanib-pwersa ang mga Pilipino at Amerikano para labanan ang mga bandido at terorista.

Kahit halos 10 taon nang di gumawa ng pelikula si Mayor Rey Malonzo ay kinakitaan pa rin ito ng galing sa pag-arte bilang commander marine soldier na ipinadala sa Mindanao para labanan ang terorista.

Sinabi nga ni Cirio Santiago na siya ring nagdirek ng pelikula ay malaki ang pag-asang manalo si Mayor Rey bilang best actor sa darating na MFF awards night. Ginastusan ang pelikula ng halos 25 milyon dahil sa special effects at mga battle scenes na ginamit.

Dahil sa hirap na dinanas sa ilang eksena gaya ng barilan sa beach ay nagkasakit si Mayor Rey.

Ang Operation Balikatan ay entry ng Premiere Production sa MFF na magsisimula sa June 11.
GUSTONG MAGING OLYMPIC CHAMPION
Matagal naming nakakwentuhan si Monsour del Rosario na kasama rin sa Operation Balikatan bilang Muslim Scout Ranger na tumutulong sa US Marine at grupo ni Mayor Rey para lipulin ang terorista. Balik-pelikula na naman ang action star kung saan tatlong taon din itong namahinga.

Ano naman ang pinagkakaabalahan mo? Tanong namin.

"Naging abala ako sa pagdi-develop ng mga kabataang nag-aaral ng taekwondo sa iba’t ibang panig ng lalawigan. Busy din ako sa youth program na isinasagawa ng Philippine Taekwondo Association of the Philippines, ng Philippine Sports Commision at Philippine Olympic Association. Ang mga kabataang magagaling sa taekwondo ay ipinadadala namin sa ibang bansa para makipag-compete sa larangang ito at nabibigyan din namin sila ng education sa La Salle, Ateneo at iba pang unibersidad.

"On-going ang programang ito dahil gusto naming makatulong sa mga kabataan para mailayo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot," paliwanag ni Monsour.

Nakasali na si Monsour sa Olympics noong 1988 pero di nanalo. Nakabawi naman siya sa SEA Games sa Seoul, Korea kung saan tinanghal na world champion sa taekwondo. Nanalo rin siya sa Barcelona, Spain. Mas type niya ang taekwondo kaysa sa arnis dahil hindi pala ito (arnis) nare-recognize globally.

Bukod sa pelikula ay mainstay siya sa Narito ang Puso Ko kasama ang nali-link sa kanyang si Dina Bonnevie.

Nagkita na ba kayo ng mga anak ni Dina? "Nagkita na kami ni Danica pero wala kaming time na mag-usap. Okey naman sila dahil protective sila sa kanilang mommy pagpapatunay lang kung gaano nila kamahal ang aktres. Saka magkaibigan lang talaga kami ni Dina," aniya.

Inamin ni Mon na certified binata pa rin siya hanggang ngayon at wala pang lovechild sa mga naging nobya nito.
G4, PANTAPAT SA F4
Kung may Flower Four o F4 ang Meteor Garden ay mayroon ding pantapat ngayon dito ang GMA 7, ang G4 na kasama na sa sitcom na Kool Ka Lang, Oo Naman na binubuo nina Kiel Rodriguez, Benj Besa Jr., Jay Aquintania at Andrew Schimmer na mga alaga ni Douglas Quijano.

Hindi magpapahuli ang mga ito kung gandang lalaki ang pag-uusapan at mas bata sila mula sa edad 13 hanggang 16. Pang-wholesome ang kanilang image pero may iba’t ibang klase ng personalidad ang bawat isa. May tahimik, may ma-PR, may patingin-tingin lang at may listo. Wala pang karanasan sa sex ang apat.

Inamin pa rin ng G4 na handa na sila sa intriga. Nagbibiro nga ang mga kapatid sa hanapbuhay at sinabing kung may F4 ng Meteor Garden ay may G4 naman ng Bulacan Garden, o di ba? Bale sila rin ang pumalit sa Gwapings noon.

KABADO NA

First directorial job ni Louie Ignacio ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ng Viva Films at natutuwa kami para sa aming kaibigan. Kahit excited si Direk ay abut-abot ang kaba nito.

vuukle comment

ANDREW SCHIMMER

BENJ BESA JR.

BULACAN GARDEN

INAMIN

MAYOR REY

METEOR GARDEN

MONSOUR

OPERATION BALIKATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with