^

PSN Showbiz

Usapang bading kay Jordan

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Mula nang mabuksan ang kontrobersya sa pagitan nina Jordan Herrera at Jojit de Nero ay minsan lang palang nagkausap ang dalawa.

Si Jordan ang tumawag kay Jojit, halata ng mayamang negosyante ang tensyon sa boses ng baguhang aktor, dahil nga sa mga isyung naglalabasan tungkol sa aktor at sa isang nagngangalang Richard na diumano’y ipinakilala na rin ni Jordan sa pamilya nito.

Ayon kay Jojit ay sinabi sa kanya ni Jordan na kaibigan lang nito ang negosyanteng nag-oopisina sa Makati, ipinahihiram lang daw nito ang Expedition na puti kay Jordan, mga salitang ipinagkibit-balikat lang ng dating singer.

Tanggap na ni Jojit ang kung anumang kahahantungan ng kanilang espesyal na relasyon ni Jordan, masakit lang sa simula, pero ayon kay Jojit ay makakaya rin niyang tanggapin ang kahihinatnan ng kanilang relasyon.

Pero walang nagbago sa kanilang relasyon ng pamilya ni Jordan, hanggang ngayon ay tumatawag pa rin sa kanya ang mga kapatid nito, sila lang ni Jordan ang may problema.

Walang bigat ng kunsensyang dinadala ngayon ang negosyante, nu’ng pumayag naman kasi siyang magpainterbyu sa Showbiz Sabado ay sinabihan niya ang baguhang aktor tungkol dun’n at pumayag naman si Jordan.

Pero gaano katoto ang impormasyong nakarating sa amin na kontra raw ang pamilya ni Jordan sa bago nitong espesyal na kaibigang si Richard?

May nakapagparating kasi sa amin ng kuwentong nakararating din kay Jojit ang mga kaganapan sa bahay ng mga Hermogenes sa Angat, Bulacan.

Kung sinuman ang nagpaparating ng mga balita kay Jojit ay hindi na pinangalanan pa ng aming impormante, ang mahalaga ay alam naming mga kapamilya rin ni Jordan ang mga taong ’yun.

"Si Jojit pa rin talaga ang gusto nila para kay Jordan, ayaw nila du’n sa Richard, hindi raw naman kasi nila kilala ang taong ’yun!" sabi pa ng aming kausap.
* * *
Pinagkukwentuhan ngayon kahit saan ang mahiwagang telepono ni Jojit na kapag nag-text ka sa kanya ay paiilanlang sa ere ang mga salitang, "Ga, may text ka! Sagutin mo na! Ganda-ganda talaga ng asawa ko!"

Boses ni Jordan ang maririnig mo, ang aktor ang nag-tape nu’n sa telepono ni Jojit, kaya kapag may tinatanggap na mensahe sa text ang dating singer ay boses ni Jordan ang maririnig mong sumisigaw.

Para sa marami ay malinaw ang insinwasyon, tama nga ang pahayag ng ama ni Jordan na si Mang Jun na mag-asawa nga pala sina Jojit at Jordan?

Deny nang deny ang aktor, magkaibigan lang daw sila ni Jojit, pagkatapos ay maririnig mo ang ganu’ng espesyal na ringer ng telepono ni Jojit?

Ano ’yun, parang pako si Jordan na nakatago nga ang katawan, pero litaw naman ang ulo?

Kasi naman, pasok nang pasok sa isang kumplikadong sitwasyon-relasyon pero kapag nabuko naman ay ang mga reporter pa ang sisisihing gumagawa-gawa lang ng mga kuwento, ang mga reporter pa ang sinungaling?

Tulad niya, ni ayaw nga nitong aminin ang kanilang relasyon ni Jojit, pero may bago na namang bading na sinasabing karelasyon niya ngayon?

’Yun ang nagpalala ng kanilang sitwasyon ni Jojit, du’n ngitngit na ngitngit ang benefactor ni Jordan, ang galing-galing nga namang mamangka sa dalawang ilog ni Jordan!

vuukle comment

JOJIT

JORDAN

JORDAN HERRERA

KAY

LANG

MANG JUN

PERO

SHOWBIZ SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with