^

PSN Showbiz

Jordan umiiwas na sa interview

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Balita nami’y nilagyan na ng tuldok ng singer-businessman na si Jojit de Nero ang kanilang espesyal na pagkakaibigan ng baguhang aktor na si Jordan Herera.

Pati pala ang mga abogado ni Jordan sa mga kasong kinasasangkutan nito ngayon ay kinausap na rin ni Jojit, diretso na niyang sinabihan ang mga abogadong humahawak-nagdedepensa kay Jordan na wala na siyang kinalaman pa sa pampinansiyal na aspeto ng mga serbisyo nito.

Ayon sa aming impormante ay sinabihan na ni Jojit ang mga abogado ni Jordan na kung gusto pa ng mga itong ituloy ang paghawak sa mga kaso ng baguhang aktor ay walang problema sa kanya, pero ang malinaw ay si Jordan na ang mananagot sa pambayad sa mga abogado, labas na siya.

Hindi ang panayam na lumabas sa Showbiz Sabado ang pinag-ugatan ng pagtabang ng damdamin ni Jojit kay Jordan, may kinalaman ’yun sa isang bagong personalidad na pumasok sa buhay ng binatang-ama na mabilisan ding nakarating sa kaalaman ng singer-businessman.

Hindi maaaring ipagkaila ni Jordan ang pangyayari, dahil si Jojit mismo ang nakapagpatunay na bukod sa kanya, ay may iba pa palang espesyal na kaibigan si Jordan.

Sa tukso ng mga kaibigan kung gaano kaya kayaman ang bagong personalidad na ito sa buhay ni Jordan ngayon ay napapailing-natatawa lang si Jojit, ganu’n na raw ba talaga ang sukatan ngayon, puro pera-pera na lang?

Ang taong tinutukoy ng mga balita na ipinalit ni Jordan kay Jojit ay nagngangalang Richard, nagtatrabaho ito sa isang kilalang kompanya ng mga kasuotan na artista pa nga ang nagmomodelo, pero nilinaw ng source na hindi ito ang may-ari.

Ang mahiwagang puting Expidition na sumundo kay Jordan sa airport nang manggaling ito sa Cebu ay nakita mismo ni Jojit na nakaparada sa bahay ng pamilya ng aktor sa Angat, Bulacan.

Marami kasing pagpapaikot-pagsisinungaling na nakapaloob sa pangyayaring ’yun na ikinagalit ni Jojit, hindi rin nakipag-usap man lang sa kanya si Jordan nang sadyain niya sa Bulacan, kaya lumawak na nang lumawak ang hidwaan sa kanilang pagitan.

Hindi raw naman totoo ’yun, sangga ng kampo ni Jordan, hindi raw totoo ang kuwetong may nakitang puting Expidition si Jojit sa tapat ng bahay ng aktor.

Nu’ng nakaraang Huwebes nang gabi ay sinubukang kunin ng staff ng Showbiz Sabado ang panig ni Jordan sa isyu, pero natutulog na raw ito, hindi na maaaring abalahin pa.

Ang puting Expedition ay nakunan ng aming crew, nakaparada ’yun sa mismong harapan ng bahay nina Jordan sa Angat, Bulacan, kaya paano kaya dedepensahan ng baguhang aktor ang mga senaryong ganito?

Mula nu’ng ipalabas ng S2 ang eksklusibo naming panayam kay Jojit de Nero ay hindi pa sila nagkakausap ni Jordan, si Jojit mismo ang nagsabing ni text message ay wala siyang natatanggap mula sa aktor, kaya lumawak na nang lumawak ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Ang punto lang ni Jojit ay wala naman siyang inaming anuman tungkol sa espesyal nilang relasyon ni Jordan, sinagot lang niya ang mga tanong nang bukal sa kanyang puso, kung ano ang idinikta ng kanyang kunsensiya ay ’yun lang naman ang lumabas sa kanyang bibig.

Isa pang puntong gusto niyang idiin, kung ganu’n pala naman at natatakot ang isang tao na isang umaga ay bubulagain na lang siya ng kontrobersiya, di sana’y hindi na lang pumasok sa isang kumplikadong sitwasyon ang taong ’yun kung hindi naman pala niya kayang panindigan ang mga kasunod na kaganapan?

Sa madaling salita, kung hindi naman pala kayang panindigan ni Jordan ang isang marahas na aksiyon, dapat sa simula pa lang ay umurong na siya agad.

vuukle comment

ANGAT

BULACAN

EXPIDITION

JOJIT

JORDAN

JORDAN HERERA

LANG

SHOWBIZ SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with