^

PSN Showbiz

Papasok si Edu sa MTB?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Definite nang papasok si Edu Manzano sa MTB. Pero wala pang date kung kailan. Ayaw ring magsalita ng manager ni Edu na si Ms. June Rufino tungkol dito.

Pero ayon sa isang source ng Baby Talk, nakikipag-negotiate na ang ABS-CBN kay Edu since wala ngang regular show ang actor sa kanila. "Matagal nang ino-offer kay Edu ‘yun, wala lang silang chance na mag-usap dahil may ibang show pa siya noon," the source said.

"Perfect si Edu for the show - may humor siya," the source added.

Wait and see na lang tayo kung anong development sa MTB.Today daw magi-start ang changes sa programa kaya watch na lang tayo para once and for all matapos na lahat ng issue sa MTB.
* * *
Almost a year na ring separated sina Jenine Desiderio and Juan Miguel Salvador. In fact, accepted na ni Jenine ang set-up nila ng ama ng anak niya. May incident pa ngang nagkita sila ng ex niya kasama ang bagong girl nito sa isang fashion show. "Actually, magha-hi sana ako sa kanila kasi nga biglang nakita ko siya, nakangiti na ako. No’ng babatiin ko na, biglang nawala kasi nilapitan na ako ng mga friends ko," she recalls. "Very small ‘yung girl," she adds.

No hurt feeling na sa part ni Jenine. Pero hanggang ngayon, wala pa siyang boyfriend after Juan Miguel. "May mga naga-attempt, pero parang wala pa, trabaho muna," she said sa isang interview sa presscon ng Bangkero, her latest movie under FLT Films.

Anyway, medyo na-shock si Jenine nang makita niya ang poster ng Bangkero. "Hindi ko nga ini-expect na ganoon kalaki ang picture ko sa poster, bigla tuloy akong kinabahan," she said. Wala raw kasi siyang idea sa nasabing poster, dahil siya ang lumalabas na bida compared sa iba niyang mga kasama sa movie.

All the way si Jenine sa movie na ‘to - hindi siya nag-plaster sa bedscene nila ni Michael Rivero.

After Bangkero, may follow-up movie na siya sa FLT Films, Primera Klase kung saan siya nakakontrata.

Wala ring regret si Jenine sa decision niyang magpa-sexy sa movie kahit nag-start siya as a singer at naging part ng Miss Saigon London last 1990 - member siya ng original batch with Lea Salonga, Monique Wilson, Cocoy Laurel among others. At hanggang ngayon ang pay check niya sa Miss Saigon ang kino-consider pa rin niyang biggest kita niya.

Anyway, si Bettina si Jenine sa pelikula na mukhang pera, pero sa puso niya mabuti pa rin siyang tao. Si Raffy (Daniel Fernando) ang boyfriend niya, pero na-attrack siya kay Glen (Michael Rivero) at dumating sa punto na na-in love at nagka-affair sila. ‘Yun pala, hindi na rin siya (Bettina) mahal ni Raffy.
* * *
Speaking of Bangkero, admitted ang baguhang bold star na si Julia Lopez na may naka-live in na siya. Yes folks, isang 48 years old na lawyer based in LA na nakilala niya sa isang party nang minsang dumalaw dito ang lawyer. Married ang guy pero hindi ‘yun naging hindrance sa kanilang relasyon. Since, naka-base sa ito sa LA, every three months umuuwi ito ng Pilipinas para bisitahin siya.

"Pero separated na kami a year ago pa," Julia reveals na panay ang emphasize na hindi siya puwedeng i-compare sa ibang bold star dahil genuine ang boobs niya as in walang retoke.

Naging practical si Julia sa kanilang relasyon - ginamit niya ang utak niya. In three years time, nagkaroon siya ng condominium, cars and money na joint account nila ng lawyer. She’s only 18 years noon. "Actually, mahal ko rin siya no’n, pero hindi pala puwede ‘yung set-up namin kaya hindi rin nagtagal," she added.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected] / [email protected]

vuukle comment

BABY TALK

BANGKERO

BETTINA

EDU

JENINE

MICHAEL RIVERO

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with