^

PSN Showbiz

Anting-anting ni Senador Revilla umuubra pa!

-
Bumubuti na ang kalagayan ng kalusugan ni Sen. Ramon Revilla, Sr. ito ang ipinahayag ni Videogram Regulatory Board (VRB) Chairman Ramon "Bong Revilla, Jr.

Dumaing ng paninikip ng kanyang dibdib si Sen. Revilla na nagresulta ng pangalawang heart stroke at neuro-deficit nito kung kaya’t naipasok siya sa ICU ng Asian Hospital.

At dahil sa magandang resulta ng pagbuti ng kalusugan ng kanyang ama ay mabilis itong nakalabas ng ICU at nailipat sa ibang silid.

Samantala, katatapos lamang ng ginawang pagbisita ni VRB Chairman Bong Revilla sa Cotabato kung saan ginawa nito ang kanyang tungkulin para magsagawa ng mga raids para sa mga namimirata ng mga CD at VDC. Wala naman siyang naging problema doon ng kanyang isagawa ang kanyang mga raids. Very cooperative naman sa kanya ang mga negosyante roon.

Para kay Bong at sa pamilya nito malaki ang pasasalamat niya dahil kasali sa mga strong contender aspirant sa nalalapit na Metro Manila Filmfest ang latest offering ng Imus Productions na Ang Agimat: Ang Anting-Anting ni Lolo na pinagbibidahan ng tatlong henerasyon ng mga Revilla.

Hindi kaya dahil sa anting-anting na ito ni Sen. Revilla kaya siya gumaling kaagad sa kanyang karamdaman? – BONI A. CASIANO

vuukle comment

ANG AGIMAT

ANG ANTING-ANTING

ASIAN HOSPITAL

BONG REVILLA

CHAIRMAN BONG REVILLA

CHAIRMAN RAMON

IMUS PRODUCTIONS

METRO MANILA FILMFEST

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with