^

PSN Showbiz

Isabel, ikakasal na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balitang ikakasal na ngayong Disyembre si Isabel Granada sa kanyang nobyong si Geryk Genasky.

Kung totoo man ang balita ay wala namang masama dahil nasa hustong gulang na ang aktres at natapos din naman niya ang kanyang pag-aaral sa kursong Aeronautical Engineering. Naging mabuti rin naman siyang anak.

Hindi pa lang alam kung sa Maynila o Pampanga sila magpapakasal. May nakapagsyete na tinatahi na ang gown ni Isabel ng mommy ni Geryk.

Alam naman ng lahat na nagkatampuhan sina Isa at Mommy Guapa dahil sa ipinaglaban nito ang kanyang pagmamahal sa nobyo.

Kung totoo ngang ikakasal na ang dalawa, dumalo kaya sa simbahan ang kanyang ina? Bigyan kaya sila ng blessing ni Mommy Guapa?
Bagong Alas ng Seiko
Maswerte rin si Robbie Tan dahil kahit ilang ulit siyang nilayasan ng mga artistang pinasikat niya nang husto gaya nina Gretchen Barretto at Rosanna Roces ay hindi naman siya nagkukulang sa artista.

Ngayon ay sikat na si Diana Zubiri. Madalas siyang maging guest sa mga TV shows at kasama sa FHM 2003 Calendar na kasama sina Maui Taylor at Aubrey Miles.

Ano raw ba ang sikreto ng tagumpay ni Diana?

Alaga ni Robbie ang kanyang artista hanggang sa personal appearance nito. Pinapupunta niya ito sa kapatid niyang si Nellie Yu. Ito ang nagpakinis kay Diana. Yan ang sikreto ni Robbie kung saan hindi lang sa kanyang pelikula nakatutok ang atensyon niya kundi gayundin sa pagpapaganda ng kanyang artista.
Makinig ka, Regine!
Ang daming nagre-react at nagbibigay ng komento sa amin tungkol sa pananamit ni Regine Velasquez lalo na nang mapanood siya sa SOP nang magkaroon ng launching ng bagong station ID. "Bakit ganun na siyang magdamit, halos nipples na lang ang tinatakpan niya? Hindi naman siguro inaambisyon niyang maging sexy star?" sey ng isang fanatic fan. "Kung dati ay labas lang ang cleavage niya sa sexy outfit bakit ngayon ay halos lumuwa na ang dibdib niya?" sagot naman ng iba.

Wholesome ang pinu-project na image ng singer lalo na sa kanyang mga pelikula kaya nasa-shock sila ngayon kapag napapanood na halos nakabilad na ang katawan nito.
Charina, nasa GMA na
Thirteen years old na si Charina Scott na dating lumalabas na anak ni Vilma Santos. Nagdadalaga na at napakaganda niya. Ang GMA-7 ang nag-hahandle ng kanyang career kaya naman kabi-kabila ang TV guesting niya. May plano rin ang network na isama siya sa isang teleserye. Umaasa ang magandang dalagita na sa kanyang pagbabalik-showbiz ay muli siyang tatangkilikin ng mga fans.
Patricia, Mahal pa rin si Marc
Pilit na ikinukumpara si Patricia Javier kay Jennifer Lopez at Kylie Minogue matapos siyang ipakilala bilang recording artist ng EMI.

Nag-audition din siya para sa isang international movie kung saan ang M2 ang magha-handle ng kanyang career.

Kumusta naman ang kanyang lovelife ngayon? Ayon sa seksing aktres ay wala pa siyang nakikitang katulad ng ex-boyfriend na si Marc Nelson kung saan hanggang ngayon ay nanatili pa rin silang malapit na magkaibigan. Four years din kasing nagsama ang dalawa. Natutuwa siya ngayon dahil sa magandang takbo ng career ni Marc bilang ramp at commercial model.

Umaasa rin ang sexy star na sana’y huwag magbago ang pagiging mabuti nilang magkaibigan at baka sa dakong huli ay sila pa rin ang magkatuluyan.
Imbyerna ang Make-up Artist sa Guwapong Young Actor
Maraming nakakapansin na nagbago ang pag-uugali ng isang young actor lalo na ngayong sikat na siya. Katunayan ay imbyerna sa kanya ang isang make-up artist dahil kung mag-utos ito para ayusan siya ay pabulyaw na animo’y siya ang nagbibigay dito ng suweldo na hindi naman kundi ang istasyon na nagbigay sa kanya ng break.

Kapag inaayos o binu-blower ang buhok nito ay ginugulo naman niya kaya naiinsulto ang hairstylist at make-up artist. Kaya siya pinakikisamahan sa kabila ng masamang ugali ay dahil ang kanyang manager ay respetado sa network na kinaaniban niya.

Mainstay ito ng isang sitcom at isang noontime TV show.

vuukle comment

AERONAUTICAL ENGINEERING

CENTER

KANYANG

KUNG

MOMMY GUAPA

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with