^

PSN Showbiz

Benjie Paras, interesado kay Mirriam

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naniniwala akong may mamumuo ngang relasyon kina Paolo Bediones at Miriam Quiambao matapos magkahiwalay ang dating beauty queen at TV host na si Hans Montenegro. Posibleng ma-develop ang dalawa dahil halos araw-araw ay magkasama sila.

Minsan ay napadalaw kami sa taping ng Kool Ka Lang at guest si Miriam. Nagtaka kami kung bakit naroon din si Paolo at binabantayan ang kanyang magandang co-host sa Extra, Extra. "Binibigyan ko lang ng suporta si Miriam kaya narito ako," sey nito.

Balita kasi na interesado si Benjie Paras sa dalaga kaya hiningi ang phone number nito. Natatakot marahil si Paolo na baka maunsyami na naman ang kanyang pagmamahal sa TV host at maagaw na naman ito sa kanya.

Wala naman sa taping si Benjie pero hindi iniwan ni Paolo si Miriam at sweet ang dalawa kung saan manaka-naka ay magka-holding hands pa sila.
Dennis, Lumayas Sa Syete
Masama ang loob ng mga taga-Syete kay Dennis Padilla lalo na yong mga kasamahan nito sa Kool Ka Lang dahil lumipat na ito sa Dos. Ang nakakasakit pa ng loob anila ay ang paglabas nito sa Whattamen.

Napakaganda pa naman ng pagsasamahan ng lahat ng artista doon kaya nanghihinayang sila sa biglang paglipat ni Dennis sa kabilang istasyon.

Ano kaya ang nararamdaman ni Raymart Santiago na close sa komedyante (dahil kay Claudine Barretto) na kabiruan at confidante nito?
Idol Si Joyce
Malaki ang nagawa ni Joyce Jimenez para pumayag si Maui Taylor na mag-bold sa pelikula nang mapanood niya ang Balahibong Pusa.

Inamin nito na kahit daring ang unang pelikula ay hindi naman siya binabastos ng mga kalalakihan sa international school na pinapasukan niya. Ayaw muna niyang magka-boyfriend dahil may pangako siya kay Vic del Rosario na magiging prioridad ang career niya.
Grand Finals Ng Mga Showband
Sa Agosto 30 na ang grand finals ng showband competition 2002 na idaraos sa Calle 5 Food Zone sa Ermita, Manila.

Anim na banda ang maglalaban-laban na kinabibilangan ng 1st Edition Band, Ice Cube, Music Function, Ice Pink, Hands Off at Glips A Band.

Ang mga judges ay sina Pol Toledo, Lucas at Dennis Aguilar. Ang unang gantimpala ay magkakamit ng 20,000 sa kagandahang-loob ng San Miguel Draft Beer. Ang host ay si Bert Dominic.
Blind Item: Natikman Ng Sexy Star Ang Pinapantasyang Matinee Idol
Guwapo, mabango at malakas ang sex appeal ng matinee idol na ito kaya pinagpapantasyahan ng mga sexy stars. Dahil tunay na lalaki ay hindi nito pinalalampas ang pagpapalipad-hangin ng ibang seksing aktres kaya lihim itong nakikipag-date sa kanila.

Kamakailan lang ayon sa aking source ay may nakakitang sumakay sa kotse na minamaneho ng sexy star ang sikat na aktor. Sa pag-aakalang madaling araw na at walang makakapansin sa kanila ay pumarada sila sa isang madilim na lugar somewhere in Quezon City at sa loob ng kotse nagromansa ang dalawa. Galing sa taping ang aktor at inabangan naman ito ng aktres.

May nangyaring milagro sa loob ng kotse kaya masayang-masaya ang sexy star these days dahil natikman nito ang kanyang pinapantasyang aktor.

Ang seksing aktres ay nagbida na rin sa bold movies at talagang palaban sa maiinit na eksena. Ang matinee idol naman ay may show sa TV at di nawawalan ng pelikula. Na-link din ito sa iba’t ibang leading ladies pero may nobya ngayon na hindi artista pero bahagi pa rin ng showbiz.

vuukle comment

BALAHIBONG PUSA

BENJIE PARAS

BERT DOMINIC

BLIND ITEM

CENTER

CLAUDINE BARRETTO

KOOL KA LANG

NITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with