^

PSN Showbiz

Nakabuti kay Mel Tiangco ang pagiging maaga ng Frontpage

- Veronica R. Samio -
Natutuwa ang magaling na broadcaster at news anchor ng Frontpage na si Mel Tiangco sapagkat simula nung Hulyo 15 ay napapanood na ng maaga ang kanyang programang Frontpage, 6:00 ng gabi mula Lunes-Biyernes sa GMA. Ang dating programa dito na Saksi, anchored by Mike Enriquez and Vicky Morales ay nalipat naman sa 10:30 ng gabi.

Sinabi ni Mel sa ilang members ng media sa presscon na ipinatawag ng GMA para sa pagbabago ng oras ng dalawang programa na pwede na raw siyang magkaroon ng nightlife. Mapagbibigyan na niya ang maraming dinner dates na tinatanggap niya pero di magawang tanggapin in the past.

Inamin ni Mel sa isang interview na mayroon siyang mga suitor pero, walang pagkakataon to know them better and vice versa. Di na ngayon. Pwede nang magkaroon ng kulay ang kanyang buhay at lumawak ang kanyang mundo. Pwede na siyang tumanggap ng dates.

Advantageous naman ang pagkakalagay ng Saksi sa 10:30 slot. Aalis ang mister ni Vicky para mag-aral sa New York University ng Masteral in Law. Hindi gaano magiging malamig ang gabi niya dahil nasa istudyo siya at nagtatrabaho. Si Mike naman ay sasamantalahin ang mas maraming oras niya sa araw para makapiling ang kanyang pamilya at makakalabas pa silang magkakasama.

Tatlong linggo pa lamang ang pagpapalit ng oras ng dalawang programa pero, mabilis pa rin ang pagtaas ng ratings ng mga shows. Nangako sila ng patuloy at walang takot na pagbibigay ng mga maiinit na balita, isang serbisyong totoo ng GMA.
*****
Sinorpresa nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang kanilang manager na si Ethel Ramos nang dumating sila ng walang pasabi sa birthday dinner nito sa Banana Leaf sa Podium, isang kainan na matatagpuan sa eksklusibong mall sa Ortigas Centre.

Di tulad ng mga nagdaang mga taon, hindi nagbigay ng party si Ms. Ramos dahil marami raw ang nagugutom. Mas gugustuhin niyang mag-bigay na lang sa charity. Pumayag na lamang itong i-treat ng kanyang mga friends pero, di siya nakaligtas sa pagdating ng kanyang mga boss sa ABS-CBN at ilang mga kaibigang artista at showbiz friends at friends from the press.

Ang party was hosted by June Rufino assisted by Salve Asis and Ian Farinas.

Samantala, hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin si Aga sa tagumpay ng 1st Case Conference na itinaguyod ng kanyang pinamumunuang STEAMDPFI, isang foundation na nagsasanay sa mga bingi para makakuha ng trabaho. Dinaluhan ito ni Australian Ambassador Ruth Pearce at ng consul ng nasabing bansa. Ang bansang Australia ang nagbibigay ng malaking suportang pinansyal sa STEAM na ginagamit nito sa training ng mga kabataang walang pandinig. Dumalo sa nasabing affair ang mga supporters ng STEAM, partner gaya ng Jollibee at marami pa.

Kasalukuyan pang sino-shoot ni Aga ang kanyang pelikulang Ginataang Apoy kapareha si Claudine Barretto.

Nasa Pampanga siya sa kasalukuyan at sino-shoot ang movie under the direction of Rory Quintos para sa Star Cinema.
*****
Magpapagalingan ang dalawang magagaling na grupo ng teatro ngunit hindi sa entablado kundi sa Family Feud ngayong Sabado alas siyete y medya ng gabi sa ABC 5.

Ang PETA na kinabibilangan nina Soxie Topacio, Gigette Reyes, Vince de Jesus at Glecy Atienza ay kakalabanin ang Trumpets na kinapapalooban nina Audie Gemora, Carlo Orosa, Karla Martinez at Roden Araneta sa Family Feud hosted by Ogie Alcasid ngayong Sabado na yan kaya huwag ninyo palagpasin!

vuukle comment

AGA MUHLACH

AUDIE GEMORA

AUSTRALIAN AMBASSADOR RUTH PEARCE

BANANA LEAF

CARLO OROSA

CASE CONFERENCE

FAMILY FEUD

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with