LA, idi-demanda ang 'Bubble Gang'
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - November 7, 2001 - 12:00am
Nakausap namin ang ina ni LA Lopez na dating child actor at malaki pala ang tampo nito sa programang Bubble Gang lalo na ang kanyang anak. Sa isang palabas ng gag show ay biniro itong retardate. Nagsumbong ang mga fans ni LA sa kanilang idolo at hindi nagustuhan ito dahil ginawang katawa-tawa ang kanyang pagkatao. "Okey lang na laitin nila ang physical trait ko gaya ng pagiging pangit o kaya’y mataba pero ang pagiging retardate ay nakakasira talaga ng reputasyon," aniya.

Humihingi ang dating child actor ng public apology mula sa mga taong nasa likod ng Bubble Gang. Binigyan na nila ng grace period ang programa para sa gagawing public apology at kapag hindi napagbigyan ang kanilang kahilingan ay baka umabot pa ito sa husgado. Ang law suit ay nagkakahalaga ng 5 million pesos.

Sixteen years old na ngayon si LA at isang recording artist ng Star Records. Nagpo-promote siya ngayon ng kanyang album na pinamagatang "L.A. Yakap" na balitang naka-gold record na. Prioridad niya ngayon ang kanyang pagiging recording artist bukod pa sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral. Kung may magandang offer ay baka lumabas din siya sa pelikula.
Angelika-Binoe, Magsisimula Nang Magsyuting
Maraming singing offers ang hindi maisingit ngayon ni Angelika dela Cruz dahil sa second week of this month ay magsisimula na sila ng syuting ng Baby Ama 2 under Viva Films with Robin Padilla.

Excited na ang aktres na makapareha si Binoe dahil matagal na niya itong crush. Binibiro ko nga si Daddy Ernie na baka ligawan ng action star ang kanyang anak dahil mahilig ito sa mestisa. Pero ayon kay Daddy kapag alam ng kanyang anak na may-asawa na ang nagkakagusto sa kanya ay mabuti pa rin ang pakikitungo nito pero never siyang papatol dito dahil ayaw niyang manggulo ng isang pamilya.

Baka maging opening salvo ng Viva Films ang Baby Ama 2 na originally ay kay Rudy Fernandez ang title role.

Nanghihinayang nga ang magandang aktres na wala siyang pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival dahil hindi siya natuloy sa Lahi sa Lahi, Dugo sa Dugo under Solar Films.
Angelu-Balik-Pelikula
Marami na rin ang nagtatanong sa akin kung kailan magbabalik-pelikula ang kanilang idolong si Angelu de Leon. Mabuti na lang at hindi naman nababakante sa paglabas sa telebisyon ang magaling na aktres. Sa buwang ito ay featured artist sa Larawan si Angelu at kasama rin sa bubuksang soap opera na pinamagatang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Anytime ay magsisimula na rin siya ng syuting sa Viva Films na ang tema ay ala-Sex In The City. Makakasama niya sina Rica Peralejo at Raven Villanueva pero hindi siya magpapaka-daring dito nang husto kundi mga sexy scenes lang. Hayaan na lang daw sa dalawang kasama niya yong mga daring scenes.
Dingdong, Bida Sa Soap
Speaking of Sana ay Ikaw Na Nga bida rito si Dingdong Dantes at ayon sa kanya ay okey lang na magkaroon siya ng bagong kapareha sa katauhan ni Tanya Garcia. Ayaw din niyang ma-identify nang husto kay Antoinette Taus. Ayon pa sa aktor, gusto niyang mag-grow at nais magkaroon ng iba’t-ibang kapareha. Maiintindihan naman ito ni Toni ayon pa kay Dingdong.
Angela, Walang Planong Magpakasal
Bukod sa magandang career ay masaya rin ang lovelife ni Angela Velez sa piling ni John Apacible. Tatlong taon na ang kanilang relasyon.

Ayon sa seksing akters, kahit compatible sila ni John ay wala pa silang planong lumagay sa tahimik. "Hindi ko kayang i-give-up ang aking career. Kapag nabuntis ako ay mawawalan na rin ako ng trabaho kaya ayaw kong pakawalan ang magagandang oportunidad na dumarating ngayon sa aking buhay," aniya.

Totoo bang siya ang bumubuhay sa kanyang nobyo?

Ayon sa aktres, may negosyo ang pamilya nito at si John ang nag-aasikaso dito bukod pa sa paglabas sa pelikula at telebisyon. May regular show ito ang Munting Paraiso kaya kumikita rin ang nobyo.
Blind Item: Dalawang Closet Queen Celebrities, Di Pa Nagkakabukingan
Ayon sa aking spy walang mag-aakala na isang closet queen ang guwapong character actor na nanggaling sa buena pamilya. Nagkakagusto rin ito ng lihim sa kapwa lalaki. Isa na rito ang singer na isa ring closet queen na lingid sa kanyang kaalaman.

Madalas na tini-text ng character actor ang singer at araw-araw halos ang kanilang komunikasyon. Ang hindi alam ng character-actor ay berde rin pala ang dugo ng singer na ka-text mate niya na matindi rin ang crush sa kanya.

Hindi pa nagkakabukingan ang dalawa na parehong closet queens.

AYON BABY AMA BUBBLE GANG CENTER KANYANG RIN VIVA FILMS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with