^

Punto Mo

Plumbing company sa Russia, nagdaos ng toilet drinking contest!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGING usap-usapan kamakailan ang isang plumbing com­pany­ sa Stavropol, Russia, matapos itong mag-organisa ng isang kaka­ibang paligsahan na tinawag na “Game of Thrones.” Sa kumpetis­yong ito, inatasan ang mga kalahok na uminom ng non-alcoholic sparkling drink mula sa mga bagong inidoro gamit ang malalaking­ straw. Ang sinumang unang ma­kaubos ng inumin ang idedeklarang panalo sa unang yugto.

Ginanap sa isang tindahan sa lungsod ng Stavropol, hinamon ng kakaibang patimpalak ang dose-dosenang kalahok na uminom mula sa toilet bowl upang magkaroon ng pagkakataong manalo ng tumataginting na 100,000 rubles (79,000 pesos). Hinati sa tig-pipitong mi­yembro ang mga kalahok, kung saan ang pinakamabilis na uminom ang aabante sa susunod na round.

Sa ikalawang round ng kumpetisyon­, ang pitong nanalo mula sa naunang­ round ay kinakailangang umupo sa isang nakasarang inidoro nang pina­kamatagal na oras na kaya nila. Ang kahuli-hulihang taong mananatiling nakaupo ang siyang tatanghaling kam­peon sa pambihirang bersyong ito ng Game of Thrones.

Mabilis na nag-viral sa social media ang nasabing kaganapan, ngunit umani rin ito nang matinding batikos mula sa publiko, kung saan marami ang bumatikos at tumawag sa naturang contest bilang nakakababa ng pagkatao o degrading.

RUSSIA

STAVROPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with