Clothing company sa U.S., naglabas ng t-shirt na hindi kailangang labhan!
NAG-VIRAL kamakailan ang American clothing company sa HercLeon matapos nilang ilabas ang HercShirt V5.0, isang makabagong t-shirt na sinasabing nananatiling walang amoy kahit hindi ito labhan sa loob ng 30 days!
Ang kompanyang ito, na nagpakilala rin ng self-cleaning underwear ilang taon na ang nakalipas, ay gumawa ng isang pambihirang disenyo na nananatiling? walang amoy sa loob ng mahigit isang buwan ng araw-araw na paggamit.
Upang mapanatiling walang amoy ang damit sa ganoon kahabang panahon, gumamit ang kom?panya ng pitong espesyal na sangkap: copper, silver, zinc, gold, volcanic ash, at dalawang sikretong materyales. Ang lahat ng ito ay direktang hinabi sa tela. Ayon sa HercLeon, pinipigilan ng copper ang pagdami ng mga bacteria na nagdudulot ng baho, habang pinupuksa naman ng zinc ang matatapang na sulfur compound mula sa matinding pagpapawis. Samantala, ang volcanic ashy sumisipsip ng kulob at amoy sa kapaligiran tulad ng usok, na tila gumaganap bilang isang espongha.
Ayon sa kampanya ng HercLeon sa Kickstarter, dahil bihira lamang itong labhan, mas tumatagal ang damit kumpara sa mga karaniwang t-shirt. Nagkakahalaga ito ng $79 (katumbas ng P4,900).
Inaasahang magiging available ito sa unang bahagi ng Nobyembre, kung saan kulay itim lamang ang unang ilalabas. Gayunpaman, nag-anunsyo na rin ang kompanya na magkakaroon sila ng navy blue, burgundy, at dark green na hinaharap.
Kung masyado namang mabigat sa bulsa ang $79 (P4,900), maaari ring bilhin ang kanilang budget option sa halagang $39 (P2,400), na kayang manatiling presko sa loob ng 3 days nang matinding paggamit. Mayroon ding standard version ang kompanya na hindi kailangang labhan nang hanggang 14 days.
- Latest

















