^

Punto Mo

‘Paniki’ (last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makapaniwala si Diana sa sagot ko na si Albert ang dahilan kaya ipinasya kong huwag na munang umuwi.

“Nabihag ka ni Albert?” tanong ni Diana.

Tumango ako.

“Kaya pala wala na sa plano mo ang pag-uwi at hindi ka na takot sa paniki. Si Albert lang pala ang solusyon, ha-ha-ha!”

“Na-love at first sight yata ako, Diana.”

“Palagay ko nga.”

 

KINABUKASAN, masaya kami sa outing. Nagpunta kami sa Tamaraw Falls. Kami ni Albert ang magkasama habang pinagmamasdan ang magandang falls. Walang namagitang salita sa amin. Nagpaunawaan na agad kami. Hinawakan niya ang kamay ko. Maligayang-maligaya ako.

Pagbalik namin sa Maynila ay hindi na ako pinawalan ni Albert. Talagang opisyal na ang pagiging magkasintahan namin.

Makalipas ang ilang taon na magkasintahan, nagpakasal kami. Nagkaroon kami ng tatlong anak. Maayos ang aming buhay.

Napatunayan ko na su?erte ang paniki. Dahil? sa paniki kaya ko na?ilala si Albert. Kaya huwag katakutan ang paniki dahil may hatid itong suwerte sa buhay lalo sa pag-ibig.

PANIKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with