Lara Croft ng ‘Tomb Raider’, kinilala ng guinness bilang ultimate video game heroine
OPISYAL na nagdagdag ng dalawang bagong Guinness World Records ang sikat na video game character na si Lara Croft ng Tomb Raider, na nagpapatunay ng kanyang estado bilang isang “ultimate heroine”.
Natanggap ni Lara Croft ang mga titulong: “Best-selling videogame heroine” at “Most magazine covers for a videogame character”.
Mula nang una siyang lumabas noong 1996, ang Tomb Raider franchise ay nakapagbenta na ng mahigit 100 milyong kopya sa buong mundo, na higit na mataas kumpara sa ibang video games na babae ang bida.
Bukod sa benta, siya rin ang paboritong mukha ng media. Umabot na sa 2,300 na magazine covers ang tinampukan niya. Kabilang ang mga sikat na mainstream publications tulad ng TIME at Newsweek.
Bilang pagkilala, si Lara Croft din ang nasa cover ng bagong Guinness World Records Gamer’s Edition 2026.
- Latest















