^

Punto Mo

Problema sa pagbaha, nandyan na naman!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga at nararanasan na ang madalas na pag-ulan kung saan nandyan na naman ang matinding problema sa mga pagbaha.

Ang klasik dyan, ang tagal-tagal ng tag-init o summer, ngayon nakikitang nagkukumahog sa paglilinis sa mga creek at sa kanal.

Ramdan na ngayon pa lamang ang susuunging problema sa pagbaha, partikular sa mga lugar sa Metro Manila.

Kahit nga hindi mababang lugar, binabaha na rin sa hindi naman kalakasang pag-ulan.

Iisa ang nakikitang dahilan dito, barado ang mga daluyan ng tubig, barado ng mga basurang itinatapon nang basta-basta na lumilikha ng malaking problema.

Tila hindi na natuto ang marami, yung mga walang pakundangang magtapon ng kanilang basura  hanggang ngayon, wala pa ring pakialam.

Ang mga pakonti-konting basura araw-araw na itinatapon sa hindi maayos na lugar ay magiging gabundok at huli na para mapagtanto na nagdulot ng matinding problema.

Siguro ay marapat na palakasin ng mga local governments units (LGUs) ang kani-kanilang mga ipinatutupad na ordinansa sa tamang pagtatapon ng basura.

Mas mabigat marahil na parusa  o multa sa mahuhuling walang pakundangang nagtatapon ng kanilang mga basura sa kung saan-saan lang lang, aba’y lalo na ang nagtatapon mismo sa mga creek at sa mga daluyan ng tubig.

Panahon na marahil para mabantayan nang husto ang mga pasaway sa basura para madala.

Kasi nga paulit-ulit na lang ang kawalan ng disiplina, kasi wala namang sumisita kaya nahihirati sa kanilang gawa kahit pa alam nila na hindi tama.

Simulan ang pagbabantay sa bawat barangay sa ganitong paraan hindi lang pagbaha ang maaring malababan kundi maging ang iba pang sakit na dala ng maruming tubig sa paligid.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with