^

Punto Mo

Ang pusong puno ng pag-asa  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang English artist noong 1924 na ang pangalan ay William Wolcot. Pumunta siya sa New York upang maghanap ng mga bagay na maaari niyang iguhit sa kanyang canvass.

Habang namamasyal, naisipan niyang dalawin ang kaibigan sa opisina nito. Habang nagkukuwentuhan ay may namataan si William na para sa kanya ay magandang iguhit. Para bang bigla siyang nagkaroon ng “urge” na iguhit ang bagay na iyon. ‘Yun bang feeling na atat na atat magdrowing.

Humingi siya ng lapis at papel sa kaibigan pero walang maibigay sa kanyang papel. Hindi nawalan ng pag-asa si William. Nilibot niya ang buong opisina ng kaibigan. Nakita niya ang papel na pinagbalutan ng kung ano sa isang sulok at ito na lang ang kanyang ginamit.

Nakalikha si William ng dalawang obra gamit ang papel na pinagbalutan ng kung ano. Nang maglaon, naibenta niya ang kanyang obra sa halagang $500 dollars at ang isa ay $1,000. Isa nang malaking kayamanan ang ganoong halaga noong 1924.

Ang isa palang simpleng bagay ay nagiging kayamanan kapag ito’y nilikha ng isang taong punumpuno ng inspirasyon. Ang pusong puno ng inspirasyon ay hindi maitatanggi na puno rin ng pag-asa. Sabi nga ni Christopher Reeve: Once you choose hope, anything’s possible.

vuukle comment

PAG ASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with