^

Punto Mo

Teves, uuwi o hindi?  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ETO ngayon ang inaantabayanan sa araw na ito.

Matuloy kaya na makauwi na sa bansa si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.?

Ito sa ginawang pahayag kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ayon nga sa kanya ay buhat sa pinagkakatiwalaang source na may alam sa ‘flight operations’.

Posibleng ito ay dahil na rin umano sa ginawang pagtanggi ng Timor–Leste sa hiling na asylum ni Teves.

Bukod nga rito, ang panibagong banta ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan kabilang si Teves na baka maharap pa ito sa mas mabigat na parusa kung patuloy na tatangging bumalik ng bansa at harapin ang mga inaakusa sa kanya.

Bagama’t suspendido, aba’y sa ginawa nitong pag-aaplay ng asylum sa isang bansa eh ipinakikita nitong wala na siyang balak bumalik ng Pinas.

Na parang ganun na lang na iaabandona niya ang kanyang trabaho sa Kamara.

Kawawa ang mga nasasakupan nito.

Banta sa buhay ang idinadahilan ni Teves sa patuloy niyang pamamalagi sa ibang bansa sa kabila ng pagtiyak ng mga awtoridad na mapoprotektahan ito.

Maging si Pangulong Bongbong ay nangako na ibibigay dito ang kailangang seguridad umuwi lamang at harapin ang mga akusa sa kanya.

Si Teves ay itinuturing na ‘pinaka-utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo. Siyam pang katao ang nasawi sa insidente.

Baka naman kasi, malakas na loob nito lalo na nga’t sinasabing ‘nag-aatrasan’ ang mga testigong-suspect sa Degamo slay at binabawi na ang pagtukoy kay Teves na may kinalaman sa nabanggit na krimen.

Wala pang kasong naihaharap sa kanya.

Si Sec. Remulla ang nag-anunsyo sa umano’y pag-uwi ni Teves na itinatanggi naman ng kampo ng huli.

Ngayon magkakaalaman kung alin ang totoo sa dalawang pahayag at kung sino ang nagbibigay ng ‘fake news’.

vuukle comment

ARNOLFO TEVES JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with