^

Punto Mo

Unwritten rules of life  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kapag nakiusap ang isang kakilala na i-delete mo ang photo or video nila kung saan ikaw ay may kopya, gawin mo agad ito nang walang pasubali kahit pa wala kang nakikitang mali sa photo o video.

2. Huwag ninyong pag-usapan ang pinaplanong lakad sa harapan ng taong hindi naman imbitado.

3. Kung nagpapatugtog sa loob ng bahay, huwag ilakas ang volume ng music na ang lakas ay aabot hanggang sa labas ng kalye.

4. Huwag mong basagin ang pantasya ng isang bata tumgkol kay Santa Claus, tooth fairy, magic wand, etc.

5. Hintayin mo ang iyong kasama na tapusin niya ang pagtatali ng kanyang shoelace, in case na lumuwag ito habang kayo ay naglalakad. Mas mainam na tulungan mo siyang itali ang kanyang shoelace. Nang mangyari ito sa akin, ang aking anak ang yumuko at nagtali ng aking shoelace.

6. Kung ikaw ang kumain ng last piece ng isang pagkain, ikaw dapat ang magtapon ng package nito.

7. Huwag mong ipilit sa iba ang iyong paniwala.

8. Huwag mong ipamukha sa iyong kausap ang kanyang insecurities o pagkakamali.

 9. Huwag pagtsismisan ang klase ng damit, bahay, o sasakyan ng ibang tao. Hindi mo batid ang kanilang pinagdadaanan sa buhay kaya hindi iyon kasingganda ng mga gamit mo.

10. Kung magbibigay ng mensahe ng pakikiramay sa social media at hindi naman kayo malapit sa isa’t isa, sabihin lang na nakikiramay ka at wala nang iba. Minsan, hinahaluan pa ng kung anu-anong kadramahan ang mensahe na parang nangangaral kaya naiinis ang naulila sa halip na ikagaan ng kanilang kalooban.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with