^

Punto Mo

Seguridad o kapahamakan ang hatid ng EDCA?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAARING malagay ang Pilipinas sa kompromiso sa pakikipagkasundo na makapagtayo ng ground military, naval at air bases ang U.S. na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Nag-ugat ito dahil sa umiinit na komprontasyon sa pagitan ng China at Taiwan. Ang Pilipinas ang may pinakamagandang strategic position para gawing war station laban sa China sakaling lusubin nito ang Taiwan.

Ang Nueva Ecija, Pampanga, Cagayan, Isabela, Palawan at Cebu ang mga lugar na pagtatayuan ng EDCA. Kapag napikon at gumanti ang China malamang na masalanta nang husto ang mga probinsiyang nabanggit. Nakupo!

Madaling napapayag ng U.S. ang Pilipinas na walang mahabang naging pagtalakay at pagtutol sa Kongreso at Senado. Inabuso naman ng China ang kahinaan natin nang ipagtabuyan ang ating mga mangingisda pati ang Philippine Coast Guard patrol sa West Philippine Sea. Parang hanip ang tingin ng China sa atin.

Sa ilalim ng administrasyon ng namayapang Pres. Noynoy Aquino nagsimulang gumawa ng military outpost sa Mischief Reef ang China. Natapos iyon sa administrasyon ni dating President Digong Duterte.

Hindi nakarating ang jet ski ni Dutert para itirik ang bandera ng Pilipinas, ha-ha-ha!

Hindi sana gumagawa lang ng senaryo ang mga naghaharing bansa dahil nasa Asian Region ang malaking mina ng natural gas na kapalit ng krudo.

Ano sa palagay n’yo?

vuukle comment

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with