^

Punto Mo

Delikado kapag ­corrupt ang namuno sa PAGCOR at PCSO!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

Nakakaaburido na ang idinudulot na gulo ng e-gambling operations na pinahintulutan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa bilyones na salapi ang nakapaloob dito. Accounted ba naman talaga?

Marami man ang nakakamal na salapi ng PAGCOR sa pagbibigay ng lisensiya sa mga e-gambling operators ay mas marami naman ang naging masamang tao at napahamak na pamilya dahil dito. Alam kaya ni dating PAGCOR Commissioner Andrea Domingo yan? He-he-he!

Nakakatulong man ang kinikita ng PAGCOR sa pagpapahintulot sa operasyon ng e-gambling ay nakakabahala na rin ang idinudulot na epekto nito sa mga kabataang menor de edad pa pero nakakataya na rin sa mga sari-saring electronic. Kaimoralan na po ‘yan na pinagkakakitaan. Tama po ba PAGCOR CEO Alejandro Tengco?

Wanted na ang mga pulis at security guards na pinaghihinalaang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero na sangkot naman sa sindikato ng pandaraya (tiyope) sa sugal na sabong. Naghudas naman pala ang mga sabungero. Madidisgrasya nga!

Pansamantalang ipinatigil ni Pres. Bongbong Marcos ang ­operasyon ng e-sabong pero meron pa ring makukulit na nagpapataya rito gamit ang social media. Kahit mga sidewalk vendors ay nakakataya basta may GCash account lang. Wala tuloy maihulog sa mga bumbay (B-accounts) na nagpapautang. Naknang Teteng talaga!

Habang mainit na iniimbestigahan sa senado ang mga krimeng dulot ng e-sabong ay namamayagpag naman ang STL na kumbinado ng jueteng. Nilalabanan ng lisensiyadong STL operators ang taya ng mga tao sa STL kaya tuloy ang jueteng na opisyo. Sabi ‘yan ng kapitbahay kong si Tekla. He-he-he!

Nilabanan ni Gen. Alfredo Lim (RIP) ang iligal na operasyon ng jueteng at dayaan umano sa operasyon ng PCSO sweepstakes noon pero wala ring nangyari. Itinatag ang legal na STL pero namayani pa rin ang mga SuTiL na jueteng operators. Laking tuwa naman ng mga pulis at mga meyor. Oooh ‘di ba?

“Legalize Jueteng!” ang sigaw ng mananaya noon kaya nanlupaypay ang mga opisyales ng gobyerno na nakikinabang sa jueteng. Nahimasmasang muli ang mga loko nang maresolbahan ng mga SuTiL ang STL.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with