^

Punto Mo

EDITORYAL - Problema sa illegal na droga, ‘di na mareresolba

Pang-masa
EDITORYAL - Problema sa illegal na droga, �di na mareresolba

IMPOSIBLE nang malutas ang problema sa illegal na droga sa bansa. Ito ay dahil sa mga maling sistema ng awtoridad. Isa na rito ay ang pag-reward ng droga sa mga tipster o impormante. Ayon sa impormante ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 30 hanggang 70 percent ang napaparte niya sa mga nakukumpiskang shabu. At ang sistemang ito raw ay 20 taon nang ginagawa. Ibig sabihin, 2003 pa nangyayari ang ganitong sistema na “shabu reward”. Grabe!

Hindi makapaniwala si House Committee on Dangerous Drugs chairman Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa ibinunyag ng impormante. Shock siya sa nalaman na malaking bahagi ng nakukumpiskang shabu ay binibigay sa tipster. At ang matindi pa sa binunyag ng informant, hindi lahat ng nakukumpiskang droga ay dinideklara ng mga miyembro ng drug enforcement unit. Ayon sa impormante, sa 100 kilo ng drogang nakukumpis­ka ng PNP at PDEA, 22 kilo lamang ang idedeklara ng mga ito. Nire-recycle umano ang droga at muling ibinebenta sa mga drug user.

Noon pa napapabalita ang ganitong kalakaran pero mas nakakahindik kung sa mismong bibig ng informant manggaling ang pagbubunyag. Talagang may mga “bugok” na miyembro ang PNP at PDEA na pinagkakakitaan ang pag-recycle ng shabu. At maaaring may katotohanan na dalawang dekada na itong ginagawa ng mga “bugok” na miyembro ng PDEA at PNP.

Kaya pala kung magtulak ng shabu ang mga operatiba ay walang patumangga. Gaya ng PDEA official at tatlo niyang tauhan na nahuli sa drug buy-bust operation noong Disyembre 6, 2022 sa PDEA Southern District Office (SDO) sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City. Nahuli si Enrique Lucero, chief ng PDEA-SDO at agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno at driver na si Mark Warren Mallo. Nahuli sa kanila ang 1.25 kilos ng shabu na may street value ng P9.18 million.

Nararapat na palalimin pa ng Kongreso ang pag-iimbestiga sa mga “nakaka-shock” na ibinunyag ng impormante. Kung totoo ang mga binunyag na sangkot sa recycling ng droga ang mga operatiba at hindi lahat ng nakukumpiska ay pinipresenta nila, wala nang katapusan ang problema sa droga sa bansang ito. Kawawa ang mga Pilipino na nakasadlak sa salot na droga. Mahirap nang malutas ang problema lalo pa kung ang mga drug enforcers at mismong opisyal ay pasimuno sa drug recycling.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with