^

Punto Mo

12 alituntunin para sa mga kalalakihan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

IBINAHAGI ng 36-year old billionaire ang sumusunod na alituntunin base sa kanyang karanasan:

1. Huwag mo nang balikan ang babaing nagtaksil sa iyo. Ang ahas ay nagpapalit lang ng balat para maging malaking ahas.

2, Huwag makipagkamay nang nakaupo. Alinman sa tatlo ang magiging impresyon sa iyo: tamad ka; bastos o pareho lang.

3. Huwag ubusin ang pera sa ngalan ng pagyayabang.

4. Huwag kakainin ang last piece ng pagkaing natira kung hindi naman ikaw ang bumili nito.

5. Laging mag-ambisyon na maging “better”. Huwag magpapahinga. Keep fighting.

6. Protektahan mo ang nasa likod mo at irespeto ang katabi mo. Protektahan mo ang mas mababa sa iyo at irespeto ang lahat ng tao, kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay.

7. Iwasang mamalimos ng pag-ibig. Kusa iyang ibinibigay at hindi pinipilit.

8. Mag-work out at least 4 times a week.

9. Kung hindi ka imbitado, huwag magpumilit dumalo.

10. Magbihis nang maayos anuman ang okasyon.

11. Makinig, mag-obserba at mag-eye contact sa kausap.

12. Humanap lagi ng ekstrang pagkakakitaan kahit na may regular kang trabaho. Huwag makuntento sa isang pinagkakakitaan. Maging madiskarte. May kasabihan na ‘yang suweldo ay parang “drugs” na ibibigay ng employer para kalimutan mo na ang iyong ambisyon.

vuukle comment

MAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with