^

Punto Mo

Kotongero sa business permit, nalulusutan na raw?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

KUNG hindi rerepormahin ng gobyerno ang mga patakaran sa masalimuot na pagbubuwis, mahihirapang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Maraming negosyante ang nahihirapang magpalawak ng kanilang negosyo dahil napakaraming requirements. Bukod dito, binubugbog pa sa kotong ng mga pagdadaanang tanggapan para makakuha ng iba’t ibang clearances.

Mas ginugusto pa nang karamihan ngayon ang on-line selling dahil bukod sa walang magastos na requirements para sa business permit, nasa loob lang sila ng bahay. Hindi na rin kailangan ang delivery equipments at delivery man dahil nagkalat na ang motorcycled delivery boys. Belaaat!

Marami na ngayon ang nagsasaradong tindahan dahil mas epektibo ang on-line selling business. Delivery receipts lang ang kailangan, no return no exchange pa madalas. Tsk-tsk-tsk!

Kung maisasakatuparan ang pagtatayo ng negosyo rito ng invited foreign investors ni PBBM, siguradong mga manufacturing business na ang mga ‘yun. Mababawasan na rin maging ang importations. Makakatipid na sa pagpapalabas ng dolyar at marami ang magkakatrabaho. Huwag lang tampalasanin ulit at buwisitin ng mga abusadong labor unions. Totoo, di ba?

 

vuukle comment

BUSINESS PERMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with