^

Punto Mo

Ginger (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MANAMIS-NAMIS ang malamig na tubig na ininom ni Anton. Ngayon lang siya nakainom ng ganitong tubig.

Nagsalin pa siya ng tubig mula sa pitsel. Kristal na kristal. Nagpapawis ang pitsel. Uminom mula siya. Uhaw na uhaw siya. Dahil siguro sa pakikipaglaban nila ni Mulong sa mga ma­ligno sa Itim na Tulay.

“Ang sarap po ng tubig, Tandang Nado. Ngayon lang ako nakainom ng ganito kasarap na tubig.’’

“Galing ‘yan sa balon,’’ sabi ni Tandang Nado.

‘‘Malamig po na parang galing sa ref.’’

‘‘Wala akong ref. Natural na lamig ‘yan galing sa balon.’’

‘‘Ang sarap tumira rito, Tandang Nado. Masarap ang kamote, kamoteng kahoy at tubig.’’

Nagtawa si Tandang Nado.

‘‘Makaya mo kayang tumira rito? Sanay kayo sa kuryente at maalwang buhay.’’

Napangiti lang sina Anton at Mulong.

Maya-maya nagpakilala si Anton kay Tandang Nado.

“Ako nga po pala si Anton at siya ang kaibigan kong si Mulong. Kung hindi po dahil kay Mulong hindi ako makakarating dito. Siya lang po ang tumulong sa akin para makarating dito.’’

Tiningnan ni Tandang Nado si Mulong at saka napatangu-tango.

Maya-maya, tinanong na ni Tandang Nado si Anton sa sadya nito.

‘‘Ano ba ang kailangan mong tulong, Anton?’’

‘‘Ang akin pong kasintahan ay kinulam, Tandang Nado. Payat na payat po siya pero wala namang makitang deperensiya ang mga doktor. Pinalabas na po siya ng hospital dahil wala namang makitang sakit.’’

‘‘Sino ang pinaghihinalaang mangkukukulam?’’ tanong ni Tandang Nado.

“Kapitbahay pong babae na nakaaway ng nobya ko.’’

“Paano naman nakatiyak na ‘yun ang kumulam?’’

‘‘Nagbanta po na kukulamin ang nobya ko.’’

Napangiti lang si Tandang Nado sa sinabi ni Anton.

Maya-maya tumayo ang matanda at may kinuhang bilog na salamin na nakasabit sa dingding na sawali.

Bumalik sa tabi ni Anton.

‘‘Ano ang pangalan ng kasintahan mo Anton?’’

‘‘Ginger po.’’

Tumingin sa salamin si Tandang Nado.

Napailing-iling.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with