^

Punto Mo

‘Gang’ ng mga mababangis na unggoy, nambibiktima ng mga tao sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga mababangis na unggoy ang umaatake sa mga residente ng isang siyudad sa Japan!

Naiulat na nagsimula ang pag-atake ng mga unggoy sa Yamaguchi city noong unang linggo ng Hulyo kung saan pinasok ng Macaque monkey ang isang tahanan at kinalmot nito ang sanggol na nakatira rito.

Simula noon, nagsunud-sunod na ang mga kaso ng pag-atake ng mga unggoy sa mga residential area. Kahit na maituturing na minor injuries lamang ang mga natamong kagat at kalmot ng mga biktima, ikinabahala ito ng mga awtoridad ng Yamaguchi. Sa loob ng tatlong linggo, nakapagtala na ang Yamaguchi city police ng 50 monkey related attacks.

Ayon sa mga awtoridad, napapalibutan ng mga bundok ang Yamaguchi at pang­karaniwan nang makakita ng unggoy sa kanilang siyudad ngunit ngayon lamang nangyari ang mababangis na pag-atake ng mga ito sa mga residente.

Upang matigil na ang pag-atake, kumuha ang siyudad ng specially commissioned hunters na huhuli sa mga unggoy gamit ang tranquiliser gun. Nito lamang Hulyo 27, may nahuling Macaque monkey na pinaghihinalaang isa sa mga unggoy na umaatake sa mga residente.

Ngunit kahit may nahuli ng unggoy, patuloy pa rin sa pag-iingat ang mga residente ng Yamaguchi city dahil naniniwala sila na marami pang mabangis na unggoy ang pakalat-kalat sa kanilang siyudad.

vuukle comment

MONKEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with