^

Punto Mo

Maliit na bayan sa Italy, natuklasang hugis tao kapag napagmasdan mula sa kalangitan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ANG Centuripe ay isang maliit na bayan na napapagitnaan ng mga bulubundukin sa Sicily, Italy. Tinagurian itong “The balcony of Sicily” dahil sa bayan na ito makikita ang magandang view ng Mount Etna.

Pero nito lamang 2022 natuklasan na ang mismong bayan na ito ay magandang tanawin kung titingnan mula sa kala-ngitan.

Natuklasan ng local photographer na si Pio Andrea Peri ang kakaibang hugis ng Centuripe gamit ang kanyang drone camera.

Ayon kay Peri, una niyang napansin na hugis tao ang kanyang bayan matapos makita ito sa Google Earth. Upang mapatunayan, ginamit niya ang kanyang drone at nasorpresa siya sa mga litrato na kanyang nakuha. Hugis tao ang kabuuan ng Centuripe at kitang-kita ito sa camera  lalo na sa gabi.

Ipinost ni Peri ang mga litrato sa kanyang social media accounts at agad itong nag-viral sa Italian netizens. Karamihan sa kanyang mga kababayan sa Centuripe ang nagulat at ngayon lang nalaman na ang kanilang bayan ay may unique na hugis.

Dahil sa viral photos, dumagsa sa Centuripe ang mga local tourists mula sa iba’t ibang bahagi ng Italy. Bilang pasasalamat ng mayor ng Centuripe kay Peri dahil lumakas ang turismo ng kanyang maliit na bayan, binigyan siya ng pagkakataon nito na magtayo ng exhibit upang ipakita ang kanyang mga nakuhang litrato.

vuukle comment

ITALY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with