^

Punto Mo

Babae sa England, nagpapa-trim buwan-buwan ng buhok sa kilay dahil ayaw tumigil sa paghaba!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Dahil sa kagustuhang magkaroon ng magandang kilay, sumailalim sa eyebrow transplant ang 36-anyos na si Isabelle Kutxi ng Tetbury, England.

Noong June 2021, nagpunta si Kutxi sa Poland upang doon magpa-eyebrow transplant. Gamit ang ilang hibla ng buhok na kinuha mula sa kanyang ulo, inilipat ito sa kanyang kilay upang maging makapal ang tubo ng buhok dito.

Teenager pa lamang si Kutxi ay hindi na siya kuntento sa kanyang kilay. Hanggang sa siya’y tumanda, isang oras ang ginugugol niya sa pag-aayos ng kilay dahil manipis at hindi maganda ang tubo ng buhok.

Nang matuklasan niya ang tungkol sa eyebrow transplant naging interesado siya rito. Pinili niya na sa Poland ipagawa ang procedure dahil nagkakahalaga ito roon ng 1500 euros kumpara sa 5000 euros sa England. Tumatagal ng tatlong oras ang transplant at ayon kay Kutxi, wala siyang naramdaman na sakit mula rito.

Matapos ang mahigit tatlong buwan, nakita na ni Kutxi ang epekto ng transplant at sumobra pa sa expectations niya ang naging resulta ng procedure. Dahil galing sa buhok sa ulo ang kanyang kilay, hindi ito tumitigil sa paghaba at kailangan niya itong pagupitan buwan-buwan.

Ayon kay Kutxi, hindi niya ito pinagsisisihan at maliit na bagay ito kapalit ng inaasam niyang kilay goals.

vuukle comment

ENGLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with