^

Punto Mo

Ahas na may dalawang ulo, natagpuan sa South Africa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Kumakalat sa mga social media ang mga litrato ng ahas na may dalawang ulo. Maraming nagduda na edited lamang ito ngunit ayon sa may-ari ng mga litrato na si Nick Evans, nahuli niya ang kakaibang ahas sa isang garden sa Durban, South Africa.

Si Evans ay isang professional snake rescuer at nito lamang nakaraang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang residente ng Ndwedwe at humihingi ito ng tulong tungkol sa nakita nitong kakaibang ahas sa kanyang garden.

Agad rumesponde si Evans at agad niyang nahuli ang two-headed Southern Brown Egg-eater snake. Hindi makamandag ang ahas at kita sa haba nito na juvenile o bata pa ito.

Ang mga hayop na pinanganak na may dalawang ulo ay may kondisyon na tinatawag na polycephaly. Ang kondisyon na ito mas madalas makita sa mga reptiles kumpara sa mammals. Nangyayari ang polycephaly sa mga hayop kapag ang dalawang embryo ay nagdikit ngunit hindi tuluyang nagsanib.

Sa kasalukuyan, nasa professional care na ang ahas at wala silang balak na ­pakawalan at ibalik ito sa kagubatan. Ito ay dahil mahina at hindi kakayanin ng two-headed snake na mabuhay mag-isa dahil mabagal kumilos.

 

vuukle comment

SOUTH AFRICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with