^

Punto Mo

Lolo sa California na hindi naka-graduate dahil sa $4 na utang sa school, nakapagmartsa rin sa wakas makalipas ang 60 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA loob ng 60 taon, madalas pagsisihan ni Ted Sams ng Pasadena, California ang hindi pagtatapos ng high school.

Pero ngayong taong ito, natupad na ang pangarap niya na makapag-martsa sa stage at matanggap ang kanyang diploma kasama ang Class of 2022 ng San Gabriel High School sa Southern California.

Taong 1962 nang nadamay sa gulo ang senior high school noon na si Sams. Bilang parusa, nasuspinde siya ng limang araw bago magtapos ang school year. Dahil hindi nakakuha ng final exams, kinailangan niyang dumalo ng summer classes para makumpleto ang kanyang mga grades.

Nang kukunin na niya ang kanyang diploma, ayaw itong ibigay sa kanya ng school registrar dahil may utang pa siya na $4.80 sa eskuwelahan. Dahil malaking halaga ito noon, pinabayaan na niya ang diploma at hindi na binalak kunin.

Ngayong 2022, may isang school official ng San Gabriel High School ang nakatuklas ng diploma ni Sams na nakatago sa isang lumang filing cabinet. Naisipan nito na imbitahan si Sams na umattend ng graduation ­ceremony upang maranasan niyang magsuot ng toga, makapag-martsa at tumanggap ng diploma sa stage.

Agad tinanggap ni Sams ang imbitasyon dahil ayon sa kanya, madalas niyang pagsisihan na sa halagang $4.80 ay hindi niya natanggap ang kanyang diploma.

Ngayon ay ganap na siyang high school graduate. Ayon kay Sams, ipapi-frame niya ang kanyang diploma at idi-display sa kanyang tahanan.

vuukle comment

DEBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with