^

Punto Mo

Co-maker, magbabayad ba kahit hindi nakinabang sa inutang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakikiusap po ang ka­patid­ ko na pumirma ako bilang co-maker sa loan niya. Kung sakali po ba na hindi siya magbayad ay puwede ba akong habulin kahit hindi naman ako naki­nabang sa inutang niyang halaga?—Tina

Dear Tina,

Oo, puwede kang habulin kung hindi makabayad ang kapatid mo kahit pa hindi ka nakinabang sa inutang niya dahil ang silbi ng co-maker ay ang managot sa halagang hiniram sakaling hindi makabayad ang pangunahing nangu­tang.

Magkaiba lang kung kailan ka mananagot at ito ay depende kung isa kang surety o guarantor sa pipirmahan niyong loan agreement. Kung ikaw ay surety, maari ka nang habulin kaagad kapag hindi nakapagbayad ang ka­patid mo.

Kung guarantor naman, maari ka lamang papanagutin sa utang ng iyong kapatid kung wala na siyang kahit anong ari-arian na maaring sumagot para sa kanyang inutang.

Kailangan mong pag-isipang mabuti ang pagpirma bilang co-maker dahil maging surety ka man o guarantor, tiyak na magkakaroon ka ng obligasyong managot sa utang ng iyong kapatid kahit pa sabihin mong hindi ka naman naki­nabang sa halaga na kanyang hiniram.

vuukle comment

LOAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with