^

Punto Mo

Ginamit na slogan nina Leni, Isko at Manny pumalpak nga ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

AYUDA sa mga nasa laylayan ang bukambibig ni VP Leni Robredo. Simula nang magplano itong tumakbo sa pagka-presidente, na para raw magiging presidente siya ng Pilipinas na magpapa­tuloy sa pagiging mahirap na isang bansa. Oo nga naman, samantalang sa abroad pa nag-aaral ang mga anak niya?

Laki sa hirap at sanay sa hirap naman ang isinisigaw nina Isko Moreno at Manny Pacquiao sa campaign rallies nila pero kitang-kita naman ang pagiging magarbo ng pamumuhay nila. Si Isko, bilang pulitika ang halos pinagmulan ng ipinamuhay at si Manny na buhay bilyonaryo ang ikinikilos ng pamilya nito. O di ba?

Pagkakaisa at pagtutulungan naman ang bukambibig ni Bongbong Marcos. Inuulan ito ng black propaganda mula sa pagnanakaw ng tatay, tax evader, sinungaling, tamad at spoiled. Pero tuloy lang sa pangangampanya. Hindi gumaganti at walang bukambibig kundi ang gagawing pag-asenso ng bansa. Mas okey, di ba?

Punumpuno ng espekulasyon ang nababasa at naririnig ng mamamayan sa mga usapin sa darating na eleksyon. May mga humuhula at naniniguro kung sino ang mananalo sa dalawang nangungunang presidentiables na sina Leni at Bongbong.

Kung pagbabasehan ang mga resulta ng mga surveys ng mga credible research and surveying firms tulad ng SWS at Pulse Asia, nakalalamang si Bongbong sa lahat ng presidentiables. Milagro na lamang diumano ang puwedeng asahan ng mga kalaban ni Bongbong para talunin ito.

Ginagawa na ring barometro lalo ng undecided voters kung sino ang susuportahan ng pamunuan ng  Iglesiya Ni Cristo (INC) dahil sa nagkakaisang ­puwersa nito. Malakas talaga ang impluwensyang dala ng INC kaya maraming kandidato ang naghahangad ng bendisyon nito tuwing eleksyon.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with